Wednesday , November 20 2024

Notorious riding-in-tandem nalipol

072314 dead tandemDESIDIDONG bawasan kung hindi man tuluyang mawakasan ang lumalalang holdapan, gun for hire at pagtutulak ng droga sa lungsod, iniutos ni Pasay City Mayor Tony Calixto na sudsurin ng mga operatiba ng Pasay City police ang isang lugar sa Tanza, Cavite na pinaniniwalaang pinagpupugaran ng mga notoryus na kriminal.

Sa nasabing follow-up operations, nasakote ang siyam na katao kabilang ang dalawang babae, ng Pasay City Police.

Iniharap kahapon kina Mayor Calixto at District Director, Chief Supt. Henry Ranola Jr., ng Southern Police District Office (SPDO), ang mga suspek na kinilalang sina Jeric Brondial,18, lider ng Brondial Robbery Group; Jordan  Arcaina, 19; Earl Jhon De Mesa; Ryan Cabal, 20; Isagani Vergara; Raul Natayan, 19; Carlo Resureccion, 27; Cristine Joyce Cayetano, 24; at Narissa Farro, 21-anyos.

Nabatid na dakong 6:34 a.m. nang maaresto ang mga suspek sa Filinvest West, Tanza, Cavite.

Ayon kay Mayor Calixto, ang mga suspek ay mga miyembro ng sindikatong sangkot sa holdap, gun for hire at pagtutulak ng droga.

Sa pagkakaaresto sa siyam na miyembro ng nasabing grupo, naniniwala si Mayor Calixto na panghihinaan ng loob ang iba pang grupo na nagsasagawa ng kanilang criminal operations sa lungsod.

Naniniwala si Mayor Calixto na nagiging lunsaran ng krimen ang lungsod, una, dahil narito ang vital installation gaya ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA), mga  kilalang hotel & recreational establishments na pag-aari ng malalaking negosyante kasosyo ang mga kilalang personalidad mula sa ibang bansa, maraming naninirahang dayuhan at mga kilalang negosyante.

Bukod pa umano na ang Pasay City ay unang lungsod sa Metro Manila patungo sa south Luzon cosmopolitan community.

Ilang opisyal ng pulis ang nagsabi na sinasamantala ng mga sindikato ng mga kriminal ang lokasyon ng Pasay City dahil malapit ito sa mga lugar kung saan nakabase ang malalaking negosyante.

Ilang miyembro ng business community ang agad nag-text at nagpasalamat kay Mayor Calixto matapos maaresto ng pulisya ang mga pinaniniwalaang notorious and hardens criminal.

Congratulations Mayor Tony Calixto!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0927.590.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *