Notorious riding-in-tandem nalipol
Jerry Yap
September 6, 2015
Opinion
DESIDIDONG bawasan kung hindi man tuluyang mawakasan ang lumalalang holdapan, gun for hire at pagtutulak ng droga sa lungsod, iniutos ni Pasay City Mayor Tony Calixto na sudsurin ng mga operatiba ng Pasay City police ang isang lugar sa Tanza, Cavite na pinaniniwalaang pinagpupugaran ng mga notoryus na kriminal.
Sa nasabing follow-up operations, nasakote ang siyam na katao kabilang ang dalawang babae, ng Pasay City Police.
Iniharap kahapon kina Mayor Calixto at District Director, Chief Supt. Henry Ranola Jr., ng Southern Police District Office (SPDO), ang mga suspek na kinilalang sina Jeric Brondial,18, lider ng Brondial Robbery Group; Jordan Arcaina, 19; Earl Jhon De Mesa; Ryan Cabal, 20; Isagani Vergara; Raul Natayan, 19; Carlo Resureccion, 27; Cristine Joyce Cayetano, 24; at Narissa Farro, 21-anyos.
Nabatid na dakong 6:34 a.m. nang maaresto ang mga suspek sa Filinvest West, Tanza, Cavite.
Ayon kay Mayor Calixto, ang mga suspek ay mga miyembro ng sindikatong sangkot sa holdap, gun for hire at pagtutulak ng droga.
Sa pagkakaaresto sa siyam na miyembro ng nasabing grupo, naniniwala si Mayor Calixto na panghihinaan ng loob ang iba pang grupo na nagsasagawa ng kanilang criminal operations sa lungsod.
Naniniwala si Mayor Calixto na nagiging lunsaran ng krimen ang lungsod, una, dahil narito ang vital installation gaya ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA), mga kilalang hotel & recreational establishments na pag-aari ng malalaking negosyante kasosyo ang mga kilalang personalidad mula sa ibang bansa, maraming naninirahang dayuhan at mga kilalang negosyante.
Bukod pa umano na ang Pasay City ay unang lungsod sa Metro Manila patungo sa south Luzon cosmopolitan community.
Ilang opisyal ng pulis ang nagsabi na sinasamantala ng mga sindikato ng mga kriminal ang lokasyon ng Pasay City dahil malapit ito sa mga lugar kung saan nakabase ang malalaking negosyante.
Ilang miyembro ng business community ang agad nag-text at nagpasalamat kay Mayor Calixto matapos maaresto ng pulisya ang mga pinaniniwalaang notorious and hardens criminal.
Congratulations Mayor Tony Calixto!
Perhuwisyong tulak namamayagpag sa Tondo (Attention: PDEA & MPD-DAID)
UNTOUCHABLE daw ba talaga at tila hindi kayang putulin ang sungay ang pamamayagpag at pagkakalat ng droga ng isang kinatatakutang tulak diyan sa Tondo Maynila!?
‘Yan ang nakarating na reklamo sa atin mula sa ilang mga residente ng Tondo partikular sa Pacheco at Coral streets kung saan umiikot at nakasentro ang sirkulasyon ng kanyang ilegal na droga.
Isang alyas SALDEE ang nagdudulot ng matinding pangamba at bangungot sa mga residente sa nasabing lugar dahil lalo pang dumarami ng kanyang galamay sa pagbebenta ng shabu sa Tondo.
Ayon sa ating source, hindi lumalabas ng haybol ang salot na si alias Saldee nang walang sukbit nabaril sa kanyang tagiliran.
Madalas na ibinabandera pa ang kanyang ‘mahabang’ baril at “tuwing gabi.”
Ipinagyayabang pa ng tarantadong Saldee na ilan beses na raw siyang nakalawit ng pulis pero lahat ay nalusutan n’ya dahil sa mabuting cashunduan.
Sonabagan!!!
Tila nagiging Godfather pa ang kumag dahil napapaligiran ng mga osdo na pumapapel na bodyguard niya sa kanyang bahay sa Pacheco St., dahil sa lakas ng bentahan ng ‘bato.’
Minsan na rin nahuli ng MPD si SALDEE pero nganga at hindi nakasuhan, ilang taon na ang nakararaan.
‘Yan din ba ang SALDEE na nakalawit malapit sa DON BOSCO noong araw na nahulihan ng BARIL, DROGA at PERA sa kanyang motorsiklo pero nakaligtas at hindi rin nakasuhan?
Alam kaya ni Kupitan ‘yan???
Balita rin na konektado rin itong si Saldee sa isang antigong tulak na si alias MAYMAY ng Velasquez na may konek sa isang pulis Maynila.
MPD PS-1 commander Supt. Ulsano, baka ho pwedeng kayo na ang kumalos sa perhuwisyong tulak na ito sa nasabing AOR?
‘Yung 9 years old, sadyang nakalawit ng pulis pero lahat ay nalusutan n’ya dahil sa mabuting cash-unduan.
Sonabagan!!!
Tila nagiging Godfather pa ang kumag dahil napapaligiran ng mga osdo na pumapapel na bodyguard niya sa kanyang bahay sa Pacheco St., dahil sa lakas ng bentahan ng ‘bato.’
Minsan na rin nahuli ng MPD itong si SALDEE pero nganga at hindi nakasuhan ilang taon na ang nakararaan.
‘Yan din ba ang SALDEE na nakalawit malapit sa DON BOSCO noong araw na nahulihan ng BARIL, DROGA at PERA sa kanyang motorsiklo pero nakaligtas at hindi rin nakasuhan?
Alam kaya ni Kupitan ‘yan???
Balita rin na konektado si Saldee sa isang antigong tulak na si alias MAYMAY Ng Velasquez na may konek sa isang pulis-Maynila.
MPD PS-1 commander Col. Ulsano, baka ho pwedeng ikaw na ang kumalos sa perwhuisyong tulak sa inyong A.O,.R?
Coincidences sa buhay nina BI Commissioner Fred Mison & Ms. Valerie Concepcion
HABANG pinag-uusapan sa main office ng Bureau of Immigration (BI) sa Intramuros, Maynila ang pagbiyahe ni Commissioner Siegfred Mison sa Estados Unidos (dahil nga ba sa kanyang pagiging US Green Card Holder?) bigla namang kumalat sa Instagram account (v_concepcion) ni Ms. Valerie Concepcion na patungo rin siyang US of A.
Ang nasabing post ay nitong nakaraang Agosto 20 (Huwebes) na ipinakikita ang kanyang pasaporte at ang PAL business class ticket patungong USA.
Ipinakita rin ni Ms. Valerie sa kanyang Instagram ang pair of earrings na genuine London blue topaz danglers na siya umanong birth stone niya.
Hindi rin itinago ni Ms. Valerie ang kanyang feelings dahil ganito ang nakalagay sa kanyang Instagram, “I’m a Happy Girl!” kasama ang mga hashtag na #birthdaymonth #sagittarius #december #bluetopaz #birthstone, #diamonds #jewelrywithmeaning at iba pa.
Pero ang higit na pinag-usapan dito, ‘yung kuwestiyon na coincidence lang ba na naunang nagbiyahe si Mison sa US at kasunod si Ms. Valerie?
Sabi kasi ni Ms. Valerie , wala silang relasyon ni Mison kundi SPECIAL FRIEND lamang.
Matagal na kasing natsi-tsismis na may relasyon ang dalawa pero ayaw naman nilang aminin dahil ang balita, ayaw umano ng mga anak ni Commissioner Mison sa kanyang lady apple of the eyes.
How sad naman…
Pero one time, sinabi ni Miso ‘este’ Mison sa isang Immigration Officer na nahe-hurt na daw kanyang Lady love Valerie sa mga issues na nasusulat sa kanila.
How caring naman pala ni Mison…
Nabalitaan din natin na nainis yata ang ex-misis ni Commissioner ‘green card holder’ Mison, dahil maging ang pangalan niya ay nakakaladkad sa mga ‘pa-kyut release’ as in press release ng aktres na wala naman masyadong racket ngayon sa showbiz pero talagang living in style nowadays.
Aba, halos 80k rin ang business class ticket to US of A. At can afford na sa mga mamahaling jewelry si lola. Courtesy kaya ni Atty. ‘tirador’ Domeng-ago ‘yan???
Higit sa lahat, ayaw na ayaw umano ng ex-misis na isa palang de-kalibreng abogado ang makaladkad sa kontrobersiya ang kanyang mga anak na kilalang nag-aaral sa mga respetadong unibersidad at kolehiyo sa bansa.
Kung sa Immigration ay pinag-uusapan ang pag-aasikaso umano ni Mison sa kanyang status bilang Green Card Holder sa ‘Tate, sa showbusiness naman ay pinag-uusapan kung magpapakasal na nga ba sila ni Ms. Valerie sa Tate?!
Nauna raw nagtungo si Mison sa Amerika na sinasabing mayroong official business doon.
Ngunit marami ang nagtatanong na hindi kaya posibleng ang pagsunod ni Valerie sa Amerika ay nangangahulugan ng pagpapakasal ng dalawa?
Mantakin n’yo naman, kung hindi importante kay Ms. Valerie ang US trip na ito — naka-busines class pa siya.
‘E kung tayo nagkakamali posibleng abutin ng P80K to P90K ang airfare sa business class.
Kung kailan pa hindi masyadong aktibo sa showbiz si Ms. Valerie ‘e ngayon pa napagkikita na mukha na siyang richie-richie girl.
Hindi kaya totoo ang huntahan na ikakasal si Ms. Valerie sa US habang si Mison naman ay mag-aasikaso ng kanyang Green Card?!
Alin kaya sa dalawa?
Abangan ang susunod na posting sa Instagram ni Ms.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0927.590.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com