Friday , November 15 2024

Zero vendors along EDSA mula Lunes

00 pulis joeySORRY sa ating kababayang vendors. Bawal na po kayo sa kahabaan ng EDSA simula sa Lunes.

Sinabi ni DPWH Secretary Rogelio “Babes” Singson na ipatutupad na nila ang “zero vendors” sa sidewalk ng kahabaan ng EDSA.

Aalisin narin nila ang concrete barriers na nagsilbing dividers.

Ito’y upang lumuwag at maibsan ang grabe nang trapik sa kahabaan ng EDSA mula Monumento hanggang Pasay.

Sa Lunes narin magsisimulang magtrapik sa naturang kalye ang mga tauhan ng PNP Highway Patrol Group.

Out na muna ang MMDA. Napababayaan na kasi ng kanilang tserman na si Atty. Francis Tolentino na masyado nang busy sa pag-iikot sa mga probinsya para sa kanyang pagtakbong senador. Hehehe…

Magandang hakbang ito ng DPWH. Sana nga ay mag-klik at lumuwag na sa trapik ang EDSA.

Sa tingin ko, basta magampanan ng maayos ng PNP-HPG ang pagmamando sa trapiko, luluwag ang napaka-busy main road na ito sa Metro Manila.

Maganda ang naisip na ito ng PNP. Dahil double purpose dito ang HPG. Tiyak matatakot ang mga kolorum na bus na bumiyahe at iiwas dito dumaan ang mga kriminal na gumagamit ng mga nakaw na sasakyan.

Ayos ‘to, mga Sir!

Dami nang pick pocketer sa Tacloban City

– Sir Joey, dito po sa Tacloban downtown area daming pick pocketer. Iilan lang ang mga pulis na naka-duty kaya malaya ang mga mandurugas dito. Madalas mga bata ang may gawa. Sana naman kumilos ang mga opisyal dito. Lagyan nila ng naka-duty na pulis sa bawat area sa downtown. Sa araw araw na pananatili ko rito ay yan lagi ang napapansin ko. Kawawa ang mga biktima lalo mga kababaihang estudyante. Don’t publish my number. – Concerned Waray

Sanhi ng trapik sa Kamaynilaan

– Sir Joey, kahit sinong grupo at individual hindi maiibsan ang sakit sa trapiko dito sa kamaynilaan at EDSA man yon. Ang dami na kasing sasakyan. Ang isang OFW pag nakaipon na ng pera bibili ng sasakyan. Mga tricycle, kuluglig, may padyak pa. -Joel Sobremonte ng Tacloban City

May punto ang ating texter. Dumadami nga naman ang sasakyan pero ang kalye hindi lumalaki, bagkus ay kumikipot dahil sa dami ng obstructions!

Kay Grace Poe kaming mga Waray!

– Sir Joey, ang mga Waray kay Grace Poe kami! Imbes na makaahon kami sa putik ng Yolanda ay mas lalo pa kami ibinaon ng ‘gang of five’ (Lacson, Soliman, Petilla, PNoy at Roxas) sa kumunoy ng kahirapan. Grabeng pambubusabos sa mga Yolanda victims ang ginawa nila lalo na sa mga Taclobanon. – 09395266…

– Dito sa Leyte and Samar ay nagkakaisa ang mga hindi nabigyan ng ESA na hindi iboto si Roxas bilang ganti sa selective na pabilib lamang na ESA distribution ng gobyenong Aquino. – 09395266…

On record, bilyones narin ang na-release ng gobyerno para sa Yolanda survivors at pagsaayos sa mga nagibang infrastracture dyan sa Samar at Leyte. Tungkol sa ESA, kung hindi kayo nabigyan, yan ay kasalanan na ng inyong barangay officials, mayor at DSWD dyan. Dahil sila ang mga nag-aapruba para mabigyan ng ESA ang mga sinalanta ni Yolanda.

Bakbakan ng mayor at vice mayor sa Pantar, Lanao del Norte

– Sir Joey, dapat aksiyunan ng gobyerno lalo na ng DILG ang municipality ng Pantar, Lanao del Norte. Palagi nalang may bakbakan dito sa pagitan ng mayor at vice mayor. Ayaw kasi umalis ang mayor sa puwesto na na-disqualify. Kawawa ang mga sibilyan, naiipit sa putukan. Dapat every half kilometer may sundalo para walang gulo dito. 14 na po ang namatay sa magkabilang panig. Salamat. – 09486835…

Dapat tanggapin nalang ng na-disqualify na mayor ang hatol sa kanyang kandidatura para magkaroon ng katahimikan dyan. Tumakbo nalang uli sa darating na eleksyon tutal pitong buwan nalang eh.

LTO-Lipa, Batangas galaw galaw naman!

– Sir Joey, gusto lang namin kalampagin ang Land Transportation Office dine sa Lipa City, Batangas. Dine mismo sa kalsada dinadaanan nila papunta sa opisiona nila ay ang daming kolorum na tricycle. Kumilos naman sila! – 09997751…

Saludo kina Roxas at De Lima

– Sir Joey, saludo ako kay DoJ Sec. Liela de Lima at Mar Roxas. Sana sila nalang mag-tandem. Sila ang tama. Okey yan. -From Bustillios, Legarda, Sampaloc 2016

Washout ang bahay pero di nabigyan ng ESA sa Samar

– Good afternoon po. Isa ako sa nakatira dito sa Sta. Rita, Samar. Bakit walang pinamigay na ESA sa amin samantalang washout ang bahay namin sa bagyong Yolanda? – 09362479…

Magsadya po kayo sa inyong barangay chairman o kaya’y sa DSWD dyan sa Samar. Sila ang namamahagi ng ESA sa mga nasalanta ng Yolanda.

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 099-8974-7723/ E-mail add: [email protected]

About Joey Venancio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *