Saturday , November 23 2024

Magbababoy sa Kamara

00 Bulabugin jerry yap jsyMUKHANG tumpak si Pascual Racuyal nang sabihin niya sa kanyang talumpati na mas mabuting gawing ‘PIGGERY’ ang Batasang Pambansa dahil pagkatapos daw ng anim na buwan ay pwede nang ibenta ang mga baboy kaya mas kikita pa ang gobyerno.

Pero hindi nga pinapalad na manalo si Racuyal sa ano mang presidential election. Sa kanyang pinakahuling pagtakbo, idineklara pa siyang nuisance candidate ng Commission on Elections  (Comelec).

Ngayon nalantad na sa publiko na niraraket ng ilang mambubutas ‘este mambabatas gamit ang pekeng non-government organization ang milyon-milyong pork barrel funds patungo sa kani-kanilang bank accounts at ipinatutustos sa kung ano-anong luho, mukhang mayroong katuwiran si Racuyal kaya niya naisip na gawing ‘PIGGERY’ ang Batasang Pambansa noon na ngayon ay tinatawag nang Kamara de Representantes.

Nakakulong na ngayon sina Janet Napoles, senators Bong  Revilla at Jinggoy Estrada, habang si Sen. Jonh Ponce Enrile ay kalalagak lamang ng piyansa. Pinayagan magpiyansa ng Supreme Court si Enrile dahil umano sa humanitarian reasons pero patuloy itong kinukuwestiyon ng mga naniniwalang ‘special treatment’ ang ginawa sa arkitekto ng martial law.

Ang pagkakakulong ng nasabing mga mambabatas ay maliwanag na noong araw pa, ang tingin talaga ni Racuyal sa mga nasa Batasang Pambansa ay ‘baboy’ dahil sa pagpapasasa sa napakalaking pondo pero walang tunay na serbisyong ibinibigay sa mamamayan.

‘Yan ay ‘yung panahon na hindi pa magastos ang pangangampanya ng mga politiko.

‘E ‘di lalo na ngayong gumagastos sila nang malaki sa pangangampanya, talagang ang iisipin nila pag nakaupo ‘e kung paano babawiin ang nagastos nila?!

Nakapagtataka pa ba kung mayroon na namang 20 mambabatas ang isinasangkot sa maling paggamit sa P500 milyon pork barrel fund na inilaan din sa mga pekeng NGO gaya nang ginawa ni Napoles?!

Kabilang sa 20 mambabatas si North Cotabato Rep. Nancy Catamco at ang asawa ni CSJDM Rep. Arthur Robes na si Florida Robes sa 15 operators ng mga bogus na NGOs na sinasabing pinaglagakan ng P500 milyon pork barrel allocations ng 20 mambabatas.

Sonabagan!!!

Aba ‘e totoo pala ‘yung sinasabi ni Napoles na hindi lang siya ang rumaraket diyan sa pork barrel.

Ang iba pang NGO operators na pinangalanan ni Atty. Levito Baligod sa kanyang inihaing demanda sa Ombudsman ay sina Evelyn Miranda, Rosemarie Palacio, Quennie Estanislao, Maylanie Asuncion, Elvira Roseph Castelo, Cheryl Ugali, Marilou Antonio, Joel Soriano, Marilou Ferrer, Maripaz de la Vega and Rizza de la Vega, France Mercado and Jaime Paulo Paras.

Ang mga NGO na tinukoy ay Workphil Foundation, Sagip Buhay People Support, Kaisa’t Kaagapay, St. James de Apostle, Kagandahan ng Kapaligiran, Kapuso’t Kapamilya, Kabuhayan at Kalusugang Alay sa Masa, Gabay sa Magandang Bukas, Center for Mindoro Integrated Development, Aaron Foundation at Buhay Mo Mahal Ko Foundation.

Katulad din ang nasabing scam ng operation na ginagawa ni Janet Lim-Napoles sa P10-bilyong congressional Priority Development Assistance Fund (PDAF) na inilagay sa mga ghost project at fake NGOs.

Sila ‘yung kumuha ng tseke, nagsumite ng mga dokumento at tumayong mga contact persons para sa mga mambabatas.

Sa kasalukuyan ay muli na namang nagsasagawa ng imbestigasyon ang National Bureau of Investigation (NBI) para sa mga ebidensiyang kakalapin kaugnay ng ibinunyag ng mga bagong whistle-blower.

Good luck talaga Philippines!

100 Indian pinalusot ‘este’ nakapasok sa NAIA T3

Putok na putok na mahigit 100 Bombay ang sabay-sabay dumating kamakailan sa iisang flight diyan sa Terminal 3 NAIA.

Para raw natuklaw ng ahas sa pagkatulala ang lahat sa Immigration area dahil wala man lang daw nangahas na i-interrogate mabuti ang pagdating ng 100 kambing ‘este’ Bombay.

Ang justification daw ng ilang Immigration duty officers noong araw na iyon ay pawang mga estudyante at ang iba naman ay nagsabi na “group tour” daw.

What the fact!?

Anak ng tupa naman!!!

At kailan naman nagkaroon ng group tour ang mga Bombay e hindi naman shonga ang mga nakaaalam na restricted nationals sila at halos walang “group tour” ang nag-i-sponsor dahil sa takot na hindi na sila magsibalik sa India.

Ang balita pa natin sa mga matalas na Immigration Officers, paano raw magiging group tour samantalang iba-iba naman ang pinanggalingan ng visa nila.

Talagang habang tumatagal nagiging obvious na ang mga diskartehan diyan habang papalapit na ang eleksyon!?

Isipin na lang natin na sa 50 mil kada isang ulo, malinis na 5 ‘mansanas’ na kita kapalit ang 100 ulo ng kambing ‘este’ Bombay!?

Meehhhheehhh!!!

Hindi kaya may blessing ito galing kina Monsignor “Plantsador” at Santo-santito “tangsinko milyones”?

Itinaon pa sa kasagsagan ng pagso-shoot before-dribble ‘este’ biyahe sa Amerika ni Comm. Fred ‘green card’ Mison?!

E ano naman kaya ang “say” dito ni Mr. Immigration Port Operations Division Chief?

Baka naman ayos na ayos ang mga “to-ba-lats” nito kaya pikit mata lang sa nangyari?!

E ikaw naman, Mr. Raul Medina, bakit hindi yata namin narinig ang pagputak ng bibig mo?

Si Bisor Rico Pedrealba, naireport ba n’ya agad kay Miso ‘este’ Mison?

Hindi kaya kasama rin sila sa trabahong ito???

P@#$%^! naman!!!

Bukas kotse at salisi gang talamak sa Robinson’s Pulilan

TUTULOG-TULOG ba si Supt. Leon Victor Rosete, ang chief of police (COP) ng Pulilan (Bulacan) o talagang nalalamigan siya sa kanyang opisina at ayaw na niyang lumabas?! Anong klaseng peace & order ba mayroon kayo riyan sa Pulilan, kung sa loob nang wala pang 30 minuto ‘e tatlo na agad ang na-bukas-kotse gang sa harap mismo ng Robinson’s? Tiba-tiba ang  mga salisi at bukas-kotse dahil tatlo agad ang nabiktima nila. Nakapagtataka ang lakas ng loob ng mga kawatan na ‘yan kung wala silang kinaka-pitan na opisyal ng pulis.

C/Supt. Ferdinand Divina Sir, mukhang tutulog-tulog si Rosete… pakigising na nga!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *