Tuesday , February 17 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

VP Binay, target ang local gov’t officials sa pangangampanya

CRIME BUSTER LOGOVERY smart guy talaga si Vice President Jejomar Binay sa estilo ng kanyang pag-iikot sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Kung ano ang ginagawa niya sa Makati City, iyon din ang kanyang style sa mga naikutan na niyang bayan o probinsiya. Mga t-shirt at wall clock ang kanyang ipinamimigay.

He he he!!!

Mautak talaga si VP Binay. Mga local government officials, kapitan ng barangay o mayor ang kanyang target para sa paghahanda niya sa 2016 local and presidential elections.

Ang daming salapi ni VP Binay.

Alanganing lumahok sa Mayoralty Race sa Pasay

HANGGANG sa kasalukuyan ay alanganin pa rin daw sina Dr. Lito Roxas at last termer Pasay City Councilor Richard Advincula na magdeklara sa mayoralty race sa Pasay City.

Nag-aalanganin daw ang dalawang politicians dahil sa ‘super’ lakas ng political machineries ni incumbent Pasay City Mayor Tony Calixto.

In short words, alanganin sina Roxas at Richard na kumandidatong mayor sa lungsod ng Pasay.

Kamakailan, nag-declare ang kampo ng mga Dy na hindi na kakandidatong mayor si Connie Dy sa Pasay dahil sa kanyang health problem.

Anyway, kapag nagkataon, ang tinaguriang “The Tailor” ng Malibay na hindi sumusuko sa labanan na si Marcelo Romulo ang makakatunggali sa halalan ni Mayor Calixto sa 2016.

Pumasok na ang ber month

NGAYON ang unang araw ng buwan ng September. Sigurado, tiba-tiba na naman ang players, importers, brokers na sangkot sa ‘palusot,’ smuggling sa Port of Manila at sa iba pang pantalan sa bansa.

Maawat kaya sila ni BoC Commissioner Bert Lina?

Padaplis pa! Gambling den sa Pampanga, Batangas, Cavite

DIYAN daw sa Barangay Banaba sa bayan ng Padre Garcia sa Batangas  ang pasimuno raw ng sugalan ay isang nangangalang Elmer na malakas daw sa lokal PNP.

Sugal na sakla at madyongan daw ang inilatag ni Mang Elmer, malapit sa Mitchel Auto Supply. Ang pasugal na nasa teritoryo ni COP, Senior Inspector Julius Alvaro ay madalas na nagsisimula sa katanghalian. Pati mga estudyante natututong magsugal.

Ganyan na ba talaga sa lalawigan ng Batangas?

Kung pinaghuhuli at ipinahinto ng provincial police director ng Pampanga ang mga devil, crooked gambling na peryahan sa nasasakupan niyang area of jurisdiction ay dapat natin siyang saluduhan.

Pero, dapat walang pinipili kung may hulihan ng operasyon ng 1602.

Sa EPSA sa Magalang, Pampanga ay panay pa rin daw ang gerilya ni Gina sa kanyang peryahan na may sugalan. Walang pagkakaiba sa San Agustin, Pampanga na ang financier ay si Louie Lopez.

Sa San Nicolas sa Arayat, Pampanga ay fiesta ng barrio sa September 10. Kaya katakot-takot na naman ang mesa ng dropballs at color games na nakalatag sa plaza. Walang pagkakaiba sa isang bakanteng lote malapit sa public market sa bayan ng Arayat, Pampanga. Si Rading ang kapitalista at pakador ng mga sugal lupa sa Arayat.

Closed open ang GMA

KAPAG pumasok na ang buwan ng ber ay abalang-abala na ang mga hustler na peryantes sa pagtatayo ng kanilang perya de sugalan sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila at probinsiya.

Ang pergalan sa General Mariano Alvarez sa Cavite na hawak nina Baby P., at Boknoy, pinabuksan na naman. Alam kaya iyan ni Jessica.

Naku po! Cavite-OIC provincial police director Sr/Supt. Ely Cruz, napalusutan po kayo sir!!!

Palaro ni Jessica sa Baliuag, Bulacan

PINAGKAKAGULUHAN daw gabi-gabi sa Barangay San Jose sa Baliuag, Bulacan ang tatlong mesa ng color games at ang dalawang mesa ng dropballs na inilatag ni finance lady officer, Jessica.

Teka, bakit kaya pumayag ang COP sa Baliuag, Bulacan?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Mario Alcala

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Sotto, Ping, ‘bastonero’ ng Palasyo sa impeachment ni Sara

SIPATni Mat Vicencio NGAYON pa lang, marami ang nagsasabing ‘guilty verdict’ ang inaaasahang resulta ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

KyumterPH, boses ng konsyumer at komyuter

AKSYON AGADni Almar Danguilan KyumterPH. Sino ba ang grupong ito? Ano ba ang kanilang layunin? …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Ang Pag-IBIG at ang P6-B pamumuhunan

PADAYONni Teddy Brul ISANG kolum ng pagsusuri at pananagutan Ayon sa mga ulat at impormasyong …

Firing Line Robert Roque

OA sa Senado

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. NITONG nakaraang weekend, paulit-ulit na lumilitaw sa aking social …

Dragon Lady Amor Virata

Diskuwento ng Senior Citizens sa Cavite City bakit bakit 5% lang?

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata HETO po ang nakababahalang tanong at reklamo ng mga …