Thursday , December 26 2024

QC Hall Police Detachment nakaiskor ng tandem!

00 aksyon almarQUEZON City Hall Police Detachment, kamakailan ay binatikos natin ang naturang pulisya. Ito ay nang makatanggap tayo ng impormasyon hinggil sa kalokohan ng ilang tiwaling pulis na nakatalaga rito.

Kalokohang paggamit sa pangalan ng pulisya. Anong klaseng kalokohan naman?

Ano lang naman, ginagamit sa pag-ikot sa pagkalap ng detalye. Detalye ba o lingguhan intel?

Yes, iyan ang info na nakalap natin –  ginagawa ng ilang tiwali na nakatalaga sa detachment ay tinatakot ang “players” na kanilang sasalakayin ang palaruan at bahay aliwan kung hindi dodoblehin ang kanilang lingguhan ‘tara.’

Pero tayo naman ay naniniwalang walang kinalaman sa naturang gawain ang hepe ng detachment na si P/Chief Insp. Rolando Lorenzo dahil suportado nito ang kampanya ni PNoy na “daang matuwid” bukod pa sa direktiba ng PNP na tablahin ang lahat ng vices o anomang klase katarantaduhan na makasisira sa imahe ng PNP maging ng QCPD.

Sa larangan naman ng patas na pamamahayag, kung nababatikos natin ang PNP o napitik ang QC Hall Police Detachment, aba’y dapat lang din na bigyan halaga natin ang magandang trabaho ng detachment nitong nakaraang linggo kaugnay sa pagsuporta nito sa direktiba ni P/Chief  Supt. Edgardo G. Tinio, QCPD director laban sa kriminalidad sa pamamagitan ng implementasyon ng kampanya ng PNP na “Oplan Lambat/Sibat.”

Yes, ang detachment pala ni Maj. Lorenzo na hindi rin pala nagpapatalo sa mga operating unit o station ng QCPD kung kampanya laban sa krimen ang pag-uusapan. Gano’n ba iyon? Sana ha.

Oo pinatunayan ito ni Maj. Lorenzo maging ng kanyang mga tauhan nitong Agosto 28 (2015) ng madaling araw.

Dahil sa pagkaalerto ng detachment, matapos masagap sa PNP-QCPD radio hinggil sa paghahanap o paghahabol sa tumatakas na dalawang lalaking sakay ng motorsiklo matapos mangholdap sa Timog Avenue, QC, agad inalerto ni Maj. Lorenzo ang kanyang mga tauhan na nagpapatrolya sa lansangan ng lungsod.

Iniutos ni Maj. Lorenzo sa mga bataan niyang nasa labas na makiisa sa paghahanap sa tumatakas na dalawang suspek. Kaya, naglatag agad ng checkpoint sa Quirino Highway, Barangay Greater Lagro, QC, ang tatlo niyang tauhan sakay ng mobile car na nagpapatrolya sa bisinidad.

Makaraan ang ilang minuto, may paparating na motorsiklo sa checkpoint sakay ang dalawang hindi kilalang lalaki. Pinapatabi ng mga operatiba ang motorsiklo para sa isang pagtatanong o inspeksyon.

Pero sa halip tumigil, pinaharurot ng driver ang motorsiklo papalayo sa checkpoint area, kaya hinabol ng mga operatiba.

Sa ulat ng detactment, habang hinahabol ng mga pulis ang motorsiklo, pinapuputukan ng nakaangkas ang mga humahabol na pulis sakay ng mobile car.

Dahil dito, napilitan nang paputukan ng mga pulis ang dalawa. Kaya hayun, bulagta ang dalawang suspek na armado ng short firearms.

Galing naman ng mga bataan ni Maj. Lorenzo, may ibubuga rin naman pala sila pagdating sa labanan.

Ayos iyan mga pogi!

Sa operasyon, ang higit na nakatutuwa, lumalabas na kayang umilag sa bala ng mga pulis dahil walang tinamaan sa kanila matapos silang paputukan ng isa sa suspek .

May anting-anting yata ang mga taga-detachment. He he he. Joke joke… lang iyon ha.

Ano pa man, masasabing good job ang nangyari dahil nabawasan na naman ng salot ang lungsod.

Kaya sa QC Hall Police Detachment force, na pinamumunuan ni Maj. Lorenzo, saludo ang bayan sa inyong accomplishment. Sana laging ganito ang makalap kong info hinggil sa detachment – ang pagtatrabahong para sa mamamayan ng lungsod.

O paano, Maj. Lorenzo, sampu ng inyong mga tauhan. Congrats!

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *