Saturday , November 23 2024

Mass transportation system sa bansa mistulang ‘landscape’ sa PNoy admin

abayaKUMBAGA sa mga traviesa ng perokaril, ang mass transportation system sa bansa ngayon ay maituturing na landscape display lang.

Uulitin ko po, display lang. Kasi, imbes makatulong sa pagpapabilis ng trapiko at makapagbigay ng ginhawa sa commuters ‘e nagiging malaking sagabal pa.

Gaya na lang ng LRT 2.

Sa kontrata pa lang ‘e makikita nang batbat ng katiwalian pero gusto pa rin ituloy ng ilang opisyal ng Department of Transportation and Communications (DoTC) at Light Rail Transit Authority (LRTA) ang paggawad ng maintenance contract.

Mabuti na lamang at nariyan ang National Coalition of Filipino Consumers (NCFC) para pigilan ang iginigiit na paggawad ng kontrata nina DOTC Secretary Joseph Emilio Abaya at ng mga opisyal ng LRTA na sina Honorito Chaneco at Jose Jobel Belarmino sa bidder na napag-alamang nagsumite ng bid na hindi angkop at kinopya ang espesipikasyon sa MRT sa EDSA.

Para mapigilan ito, nagsampa ang NCFC ng reklamong graft at kasong administrastibo sa Office of the Ombudsman laban kay Belarmino at mga kasamahan niya sa LRTA-BAC noong Hulyo dahil sa paulit-ulit na paglabag sa nailathalang mga patakaran at sa ilegal na pagkiling sa Fil-Korean joint venture.

Kaugnay nito, pinasasagot na ng Ombudsman ang BAC upang ipaliwanag ang reklamong kinasasangkutan nila. 

Pero ayon sa NCFC, kailangan umaksiyon at huwag nang mapatumpik-tumpik pa ang Pangulo at si Secretary Pabaya ‘este’ Abaya.

Kailangan nilang umaksiyon upang linisin ang maruming bidding na ipinatupad ng LRTA.

Hindi pa nalilimutan ng sambayanan nang sabihin nina PNoy at Abaya na magpapasagasa sila sa tren kung hindi maisasagawa ang mga proyekto at maintenance deadline sa loob ng dalawang taon.

Nagpasagasa na ba?!

Sabi nga, nahulog na ang isang turista sa international airport at makupad pa sa pagong ang trapik sa Metro Manila, pero mukhang walang panahon  na mag-isip si Abaya kung paano iaangat ang mass transportation system sa bansa at kung paano ito tuluyang magseserbisyo nang tama sa publiko…

Kung hindi kaya, bakit hindi mag-resign at ibang tao naman ang magpatakbo?!

‘Di ba, Secretary Abaya?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *