Sunday , December 22 2024

6 tulak timbog sa drug den sa Bulacan

ANIM katao kabilang ang dalawang babae, ang naaresto ng anti-narcotics agents sa pagsalakay sa isang hinihinalang drug den sa Sitio Puyat, Brgy. Tartaro, San Miguel Bulacan kamakalawa.

Kinilala ni Philippine Drug Enforcement Agency Region 3 (PDEA3) Director Gladys Rosales ang mga suspek na sina Reynaldo Paraon, 48, itinuturong maintainer ng drug den; Enrique Pangilinan, 40; Richard Asibor, 34; Aljune Mercado, 38; Shane Conde, 22; at Lilia Mercado, 42, pawang mga residente sa naturang lugar.

Ayon kay Rosales, ang mga suspek ay naaktohang sumisinghot ng methamphetamine hydrochloride o shabu sa nasabing lugar.

Aniya, ang bahay ni Paraon ay matagal nang minamanmanan ng PDEA3 agents kasunod ang ulat mula sa mga  kapitbahay tungkol sa presensiya ng kung sino-sinong tao na paroo’t parito sa lugar.

Bitbit ang search warrant, sa pakikipagtulungan ng Army troops, sinalakay ng PDEA3 agents ang bahay ni Paraon na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek at pagkakompiska ng P180,000 halaga ng shabu at illegal drugs paraphernalia.

Ang naturang drug den sa San Miguel ay isa pa lamang sa unang nabuwag ng PDEA3 sa Central Luzon simula nang maupo sa puwesto si Rosales nitong nakaraang buwan.

Ang mga naarestong suspek ay kasalukuyang nakadetine sa PDEA Jail Facility sa Camp Olivas habang inihahanda na ng mga awtoridad ang mga kasong isasampa sa kanila.

About Micka Bautista

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *