Thursday , December 26 2024

Samahang manininda sa Manila tumakbo sa Ombudsman

00 aksyon almarHINDI na raw masikmura ng mga manininda sa lungsod ng Maynila ang ginagawa sa kanila ng mga pinuno ng lungsod kaya kahit suntok sa buwan ay lumaban na rin sila sa pagbabakasakaling pakinggan at maunawaan ng tamang ahensiya ang hinaing at pahirap na dinaranas nila ngayon.

Pormal na sinampahan ng kasong Graft and Corruption sa Ombudsman si Manila Mayor Joseph Estrada at ang ilang opisyal ng Manila City Hall dahil sa maanomalyang privatization ng Quinta Market.

Sa 10-pahinang reklamo sa Ombudsman ng Manila Federation of Public Market Vendors Association Inc., sa pangunguna ng pangulo ng grupo na si Juliet Peredo, binanggit dito na nilabag ni Erap ang RA 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act) dahil sa pagpasok sa joint venture agreement ng isang  private company na Marketlife Management and Leasing Corporation Inc. (MMLC).

Kasama sa kinasuhang members ng Manila government’s Joint Venture Selection Committee ang Secretary to the Mayor, City Legal Officer, City Treasurer, City Planning and Development Officer at City Engineer at dalawang  City Councilors.

Maging ang MMLC president na si Carlos Ramon V. Baviera at board members na sina Patrick Herlihy, Rolando Evangelista, Jacques Ian Lee at Joseph Michael Lagman ay isinama sa demanda .

Bukod sa graft, kinasuhan din sila ng paglabag sa RA 9184 o Government Procurement Reform Act at RA 6957 or “An Act Authorizing the Financing, Construction, Operation, and Maintenance of Infrastructure Projects by the Private Sector.”

Anang grupo, nakipagsabwatan si Erap at ang mga nasabing opisyal sa pagbibigay ng “unwarranted benefits, advantages at undue preference” sa MMLC sa pamamagitan ng Joint Venture agreement na hindi naman dumaan sa public hearing, at public bidding.

Ang pinakamatindi, iyong MMLC sabi ng mga nagrereklamo  ay wala raw track record para sa nasabing industriya at kuwestiyonable ang financial records.

Anila, paano nakapasa sa City Council? Paano raw magagawa ng MMLC ang construction na nagkakahalaga ng P90 milyon at working capital na P85 milyon. Pero totoo naman kaya ang info ng grupo na  ang capital ng MMLC ay P3.125 milyon lang? Totoo ba ito MMLC? Kapos nga ba kayo sa budget?

Sabi pa sa reklamo, pinursige lang daw na ibigay sa MMLC ang kasunduan.

Ang Quinta Market ay isa lang sa 17 public markets na nakaplano upang isapribado. Sa ngayon pitong palengke na ang nakalinya at inumpisahan na nga ang San Andres, kasunod ang Sta. Ana Market. Malamang na isunod na rin ang Trabajo Market, New Antipolo Market, Pritil Market at Sampaloc Market at ‘yung natitira pang 3 palengke.

Sa City Council, may ilang konsehal na nag-manifesto na rin ng pagtutol  sa lahat ng mga joint venture sa Maynila. Bukod kasi sa 17 public markets, pati pala ang Manila Zoo ay nakaplano rin sa joint venture na ito. Ganoon ba?

E ang Manila City Hall, wala bang plano ang pamahalaang lungsod na ipasipribado ito?

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *