Monday , December 23 2024

Mga residente sa Guiguinto nanganganib maagawan ng bahay at lupa!

guiguinto bulacanNAG-IIYAKAN ngayon ang ilang residente sa Guiguinto, Bulacan dahil nanganganib na mawalan at maagawan ng lupa at bahay.

Ito ngayon ang nararamdaman ng ilang taal na residente sa Tabe, Guiguinto, Bulacan na nagpaabot ng kanilang hinaing sa Bulabugin.

Karamihan sa kanila ay doon na ipinanganak, doon na rin tumanda ganoon din ang kanilang mga ninuno pero ngayon kung tratuhin sila ay parang dayong squatter na walang karapatan sa kinatitirikan ng kanilang tahanan.

Dumaranas umano sila ngayon ng pandarahas mula sa mga nagpapakilalang ahente ni Guiguinto Mayor Boy Cruz para umalis na sa kanilang bahay.

Ayaw rin ng munisipyo na umasa sila sa Munisipyo at mas makakabuti umano na kusang umalis kaysa lumaban pa.

Lulan ng isang Toyota Innova na may commemorative plate na QCPD ang mga demonyong ahente.

Nagbanta pa na mahirap kalaban ang kanilang developer.

Sonabagan!!!

Mayor Boy Cruz, totoo ba ang kumakalat na balita diyan sa Guiguinto na balak mo raw i-develop ang Brgy. Tabepara pagtayuan ng isang subdivision?

Maganda nga naman ang lugar na ‘yan kapag na-develop, malawak ang lupain at katabi pa mismo ng NLEX exit papuntang Sta. Rita.

Pwede rin gawin malaking warehouse gaya ng R.I.S. warehouse na nakapagbigay ng maraming trabaho sa mga taga-Guiguinto.

Totoo rin ba Mayor Boy Cruz, na sa administrasyon mo ay pahirapan kumuha ng business permit dahil sa red tape?

May sumbong rin kasi sa atin, na ilang negosyante ang nawalan ng negosyo dahil hindi nakapag-update ng kanilang permit at nasulot ng ilang malapit daw sa ‘kusina’ na katulad nila ang negsoyo?

Wish ng mga taga-Brgy. Tabe na maging parehas sana ang mediation hearing ng barangay sa isyung ito.

Totoo rin ba Yorme Boy Cruz, na isang utol mo raw ang nasa likod ng pagpapaalis sa mga residente riyan?

Anyway Mayor BOY CRUZ sir, pakibasa  mo ang ilang mga nakarating sa atin na reklamo:

“Halos isang daan taon na po yata nakatirik ang aming tahanan sa BRGY. TABE pagbaba ng tulay kahilera ng NLEX Sta. Rita mula pa sa matatanda naming amain ay dito na nagpayabong at nagpalaki ng pamilya, ini-award na ho ito sa amin at ilang  AMA ng munispyo na rin ang nagpapalit-palit at nagserbiyo bilang ALKALDE pero ngayon lamang po kami nakaranas ng SOBRANG PAGHIHIRAP at tila labis na PAG-AALALA para sa aming PAMILYA n baka isang araw ay PUWERSAHAN kaming PAALISIN  sa aming lupang KINAMULATAN  at  sa estilo ng mga AROGANTENG AHENTE na nagpupunta ho rito sa amin at NANANAKOT na malapit na kaming PALISANIN. Pangamba po na baka gamitan kami ng DAHAS makamit lamang ng mga GANID na PINUN ang kanilang PAKAY, marami na po sa amin dito sa GUIGUINTO ang INAGAWAN ng HANAPBUHAY, kabuhayan at tahanan dahil naging PRAYORIDAD ng kanilang MAYOR na si AMBO BOY “CONTRACTOR” Cruz  ang pagtatayo ng  MAAMAHALING subdivision na WALANG direktang PAKINABANG o DAGDAG HANAPBUHAY ang mga GUIGUINTENO bagkus ay NAWALAN rin  sila ng ARI-ARIAN  na TIRAHAN at KABUHAYAN gaya ng SAKAHAN at MANGGAHAN dahil NAPUWERSANG ipagbili (sa hindi makatwirang HALAGA) sa TAKOT na baka WALA pa silang MAPAKINABANGAN, sana’y HINDI maging  SAKIM ang nasa MUNISIPYO at magpakita  naman ng MALASAKIT sa mga tao  na  nagluklok sa kanila sa pwesto at dapat po sana ay kanilang prayoridad.”

Mayor Boy Cruz, naghihintay ang mga taga-Barangay Tabe sa kasagutan mo!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

 

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *