Friday , November 15 2024

Comelec, Smartmatic back in each other arms again (P1.7-B deal para sa 2016 election)

00 Bulabugin jerry yap jsyANG P1.7-bilyon na deal ng Commission on Elections (Comelec) at Smartmatic ay gaya sa isang naunsiyaming pag-ibig… pero sa huli, landas nila’y muling nagkita.

Hik hik hik…

Kumbaga sa kasabihan, sa hinaba-haba man daw ng prusisyon, sa simbahan pa rin tumuloy…

Noong ibinasura ng Comelec ang Smartmatic-Total Information Management deal, marami ang naniwala na seryoso ang ahensiya para linisin ang eleksiyon sa 2016.

Marami kasi ang nagdududa sa performance ng PCOS machine noong nakaraalng halalan.

Kumbaga, may nangyaring digital-dayaan or digital dagdag-bawas.

Pero mga haka-haka pa lamang ang mga ito sa ngayon dahil wala bang konkretong ebidensiya at hindi natin alam kung mayroon ngang nag-iimbestiga.

Pero nang nagdeklara ang Comelec na naniniwala silang hindi sila bibiguin ng kompanyang Smartmatic-Total Information Management (TIM) Corp., makaraan mag-issue ng Notice to Proceed sa P1.72-billion contract para sa supply ng 23,000 optical mark reader (OMR) machines na gagamitin sa 2016 presidential elections, e parang napaisip ang inyong lingkod.

Para kasing biglang pumitik sa ating isip na ‘malungkot’ ang Comelec officials sa naunang deal sa kanila ng Smartmatic-TIM.

Pwedeng malungkot dahil hindi sila ‘satisfied’ sa performance ng Smartmatic-TIM.

Ayon kay Comelec Commissioner Christian Robert Lim, ang OMR machines ay gagawin sa planta ng Smartmatic-owned Jarltech sa Suzhou, China.

Una raw ide-deliver ng kompanya ang 600,000 units kada buwan hanggang Disyembre at ang full delivery ng 23,000 units ay matatapos sa Enero 2016.

Pinirmahan na rin ng Comelec ang Notice of Award para sa pag-upa ng 70,977 OMR units na ide-deliver na rin lahat sa Enero.

‘Yan daw ay bunga ng tatlong linggong negosasyon ng Smartmatic-TIM Corp., at Comelec.

Sana naman ‘e walang ‘monkey businessman’ sa muling ‘pagkakasundo’ ng Smartmatic-TIM at ng Comelec.

Sa kabila ng maraming agam-agam sa ahensiyang ito, patuloy pa rin tayong naniniwala na ‘mayroong’ malinis na eleksiyon sa bansa.

Hindi man iyan sa kabuuan ng bansa, naniniwala tayo na mayroon pa rin iilang pook sa bansa na patuloy na nananangan na ipaglalaban nila ang malinis na eleksiyon sa kanilang bayan.

Ewan lang natin kung kasama ang Metro Manila diyan?!

Sana naman.

Salamat sa AlDub

KA JERRY, gusto namin magpasalamat sa AlDub dahil ‘yan na lang ang programang nagpapasaya sa mahihirap nating kababayan. Kahit na ilang oras kaming tumunganga sa telebisyon, kapalit naman nito ang pagpapagaan ng aming pakiramdam. Salamat muli sa AlDub.

+63923602 – – – –

Pagawain sa kalsada hinayaan na ng DPWH?

MUKHANG nakatigil na ang lahat ng mga kalsadang ginagawa sa Metro Manila. ‘Yung iba naman hindi nga tumigil pero bumagal naman ang gawa. Para bang bina-blackmail ang mamamayan na kapag hindi sila ibinoto hindi matatapos ang mga pagawain. Nanawagan po kami kay Sec. Rogelio ‘Babes’ Singson, paki-check ang mga nakatiwangwang na pagawain sa Metro Manila! +63919409 – – – –

Quirino Highway sa Quezon City madilim pa rin

HANGGANG ngayon ay wala pa rin ilaw sa Quirino Highway lalo na diyan sa area ng Sacred Heart, Amparo Subdivision at Dela Costa. Marami nang naaksidente riyan at namatay, kailan pa ba lalagyan ng ilaw ‘yan?

+630917608 – – – –

PNP iwas pusoy sa rally ng Iglesia

BAKIT ayaw kumilos ng pulisya sa magulong rally ng INC members?! Kung militante yang nagra-rally malamang pinadalhan agad ng pulis. Ngayong INC ang pakalat-kalat sa kalye maluwag ang PNP. Hindi nang-awat nang may mabugbog na camera man. Anong ginawa ng PNP? Dinampot ba nila ang nambugbog? Naki-lala ba nila kung sino? Paano huhulihin? Salamat po. Pakitago po ang number ko.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0927.590.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *