Wednesday , November 20 2024

Comelec, Smartmatic back in each other arms again (P1.7-B deal para sa 2016 election)

comelec smartmaticANG P1.7-bilyon na deal ng Commission on Elections (Comelec) at Smartmatic ay gaya sa isang naunsiyaming pag-ibig… pero sa huli, landas nila’y muling nagkita.

Hik hik hik…

Kumbaga sa kasabihan, sa hinaba-haba man daw ng prusisyon, sa simbahan pa rin tumuloy…

Noong ibinasura ng Comelec ang Smartmatic-Total Information Management deal, marami ang naniwala na seryoso ang ahensiya para linisin ang eleksiyon sa 2016.

Marami kasi ang nagdududa sa performance ng PCOS machine noong nakaraalng halalan.

Kumbaga, may nangyaring digital-dayaan or digital dagdag-bawas.

Pero mga haka-haka pa lamang ang mga ito sa ngayon dahil wala bang konkretong ebidensiya at hindi natin alam kung mayroon ngang nag-iimbestiga.

Pero nang nagdeklara ang Comelec na naniniwala silang hindi sila bibiguin ng kompanyang Smartmatic-Total Information Management (TIM) Corp., makaraan mag-issue ng Notice to Proceed sa P1.72-billion contract para sa supply ng 23,000 optical mark reader (OMR) machines na gagamitin sa 2016 presidential elections, e parang napaisip ang inyong lingkod.

Para kasing biglang pumitik sa ating isip na ‘malungkot’ ang Comelec officials sa naunang deal sa kanila ng Smartmatic-TIM.

Pwedeng malungkot dahil hindi sila ‘satisfied’ sa performance ng Smartmatic-TIM.

Ayon kay Comelec Commissioner Christian Robert Lim, ang OMR machines ay gagawin sa planta ng Smartmatic-owned Jarltech sa Suzhou, China.

Una raw ide-deliver ng kompanya ang 600,000 units kada buwan hanggang Disyembre at ang full delivery ng 23,000 units ay matatapos sa Enero 2016.

Pinirmahan na rin ng Comelec ang Notice of Award para sa pag-upa ng 70,977 OMR units na ide-deliver na rin lahat sa Enero.

‘Yan daw ay bunga ng tatlong linggong negosasyon ng Smartmatic-TIM Corp., at Comelec.

Sana naman ‘e walang ‘monkey businessman’ sa muling ‘pagkakasundo’ ng Smartmatic-TIM at ng Comelec.

Sa kabila ng maraming agam-agam sa ahensiyang ito, patuloy pa rin tayong naniniwala na ‘mayroong’ malinis na eleksiyon sa bansa.

Hindi man iyan sa kabuuan ng bansa, naniniwala tayo na mayroon pa rin iilang pook sa bansa na patuloy na nananangan na ipaglalaban nila ang malinis na eleksiyon sa kanilang bayan.

Ewan lang natin kung kasama ang Metro Manila diyan?!

Sana naman.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0927.590.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *