Wednesday , November 20 2024

Tunying biktima rin ng pandarahas

ka tunyingsANO man ang rason ng pandarahas sa Café ni ABS CBN anchorman Anthony Ta-berna, malinaw na ito ay kawalan ng takot at pambabastos sa mga awtoridad.

Sa gitna ng umiinit na conflict sa hanay ng Iglesia Ni Cristo (INC), nagkakaroon ng iba’t ibang uri ng pandarahas. (Sana naman ay hindi kasama dito ang kaso ni Tunying).

Marami tayong kabigan na miyembro ng INC. Tuwina ay sinasabi kong bilib ako sa pagiging organic person nila.

Ibig kong sabihin, disiplinado sila at laging sumusunod sa displina at mga patakarang  ipinatutupad ng kanilang organisasyon o sekta o simbahan.

Batid nating malaking krisis rin itong kinakaharap ng INC, pero gusto nating ulit-ulitin na laging may perimeter ang mga patakaran at alituntunin ng isang organisasyon, sekta o simbahan dahil mayroong SALIGANG BATAS na umiiral sa ating bansa.

Hindi ba’t ganito rin ang argumento ng mga law enforcer sa mga militanteng organisasyon na mahilig ipahayag ang kanilang damdamin sa pamamagitan ng pagmamartsa sa kalye?

Pero ang higit na ikinaiinis ng iba nating kababayan, ang tila pambu-bully umano ng ilang opisyal ng INC sa pamahalaan lalo na sa mga TRAPO.

Kumbaga, tila ginagamit umano ng ilang opisyal ng INC ang organisadong lakas nila para makuha ang gusto nila.

Open-secret daw kasi sa bansa na kapag ang isang politiko ay sinuportahan ng INC sa eleksiyon, tiyak na ang panalo.

At mukhang ito raw ang ipinamumukha ng ilan  sa INC.

Anyway, tayo po ay naghahangad na maresolba nang payapa at maayos ang kinakaharap na krisis ngayon ng INC.

Wish lang natin na sana’t hindi na magkaroon pa ng sanga-sangang komplikasyon ang krisis na ito.

Bilang isang Filipino, isa tayo sa mga na-tutuwa na ang sektang INC ay nag-ugat at itinatag ng isang Filipino at ngayon nga ay nakapagpapalawak na sa ibang bansa.

Inirerespeto ng inyong lingkod ang pagtatanggol ninyo sa inyong simbahan  pero paalala lang po, tayo pong lahat ay nananatiling Pinoy at sumasailalim sa isang Saligang Batas. ‘Yun lang po.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *