Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mga espesyal na kurso sa isang espesyal na eskuwelahan sa GRR TNT

020615 grr

TUTOK lang ngayong Sabado, 9:00 a.m. sa programang Gandang Ricky Reyes Todo Na Toh (GRR TNT) ng GMA News TV dahil mayroong isang espesyal na eskuwelahang itatampok na may mga espesyal na kursong handog tulad ng Aged Care, Disability Care, Child Care, at Community Service.

Sinumang magtapos sa Charlton Brown International College (CBIC) ay nakasisigurong makahahanap ng trabaho dahil ito’y kinikilala sa Pilipinas at accredited sa ibang panig ng mundo.

Magsasadya sa CHILDHAUS (bahay-tuluyan ng mga batang may malulubhang sakit) ang mga estudyante ng CBIC para ipadama ang kanilang pagmamahal, simpatiya, at taos-pusong pagtulong.

Ipakikita rin ni Mader Ricky Reyes ang Regold treatment na dinarayo sa lahat ng sangay ng Gandang Ricky Reyes Salon. Ilang modelo ang rarampa sa harap ng kamera na lubos na nasiyahan sa make over magic ng beauty guru na ang buhok ay nagkaroon ng bagong sigla, naging tuwid at makintab.

Darayo rin ang GRR TNT staff and crew sa set ng Mari Mar na may interbyu ang ating host-producer kina Megan Young at Tom Rodriguez.

Ang unang gumanap sa serye’y ang superstar ng Mexico na si Thalia.  Sa seryeng salin-Pinoy ay sumikat si Marian Rivera. “Gagawin ko ang lahat para mapantayan ko kundi man mahigitan ang husay nina Thalia at Marian,” sabi ni Megan na umaming mas madali ang manalo sa Ms. World pageant kaysa umarte sa harap ng boob tube camera.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …