Wednesday , November 20 2024

Aklat ng bayan inilunsad ng KWF (Sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika)

aklat ng bayanAaminin ng inyong lingkod na tayo’y hindi nahilig sa pagbabasa ng mga aklat na akda ng ating mga Filipinong manunulat.

Pero naniniwala naman tayo na iniluwal din ako ng kulturang komiks.

Ako’y isang batang mahilig tumambay sa isang komiks/news stand diyan sa Blumentritt at pasalit-salit na nanghihiram ng komiks para makibasa.

At dahil nagbibinata na tayo noon at seryoso sa paghahanapbuhay, hindi na natin namalayan na unti-unti na palang namatay ang industriya ng komiks.

Narito na tayo sa larangan ng pamamahayag nang muli nating naalala ang komiks. Nang buksan nga natin ang pahayagang HATAW, maraming nag-apply para maglabas ng kanilang mga akdang-komiks.

Hindi ako makapaniwala na darating ang panahon na makakadaupang-palad ko ang mga lumikha ng Nakagapos na Puso na si Louie Celerio, Florinda na si Rico Bello-Omagap, Kuwatog na si Mang Joe  at marami pang iba.

Ilang taon rin silang nagpapadala ng komiks ‘yun lang dahil na rin sa katandaan at pagkakaroon ng sakit ay namayapa na sila.

Sa pagkawala ng komiks, yumabong naman ang mga pocketbooks na kinatatampukan ng mga dating nobelista sa komiks. Napansin natin na maraming kabataan ang na-hook sa mga akdang ito. Pinaka-latest dito ang WATTPAD.

Ang positibo sa bagay na ito, kahit napakabilis ng teknolohiya ngayon mayroon pa rin mga kabataan ang nahihilig sa pagbabasa ng mga akdang Pinoy.  

Sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika, nakita naman natin ang pagsisikap ng Komisyon sa Wikang Filipino na mailunsad ang mga bagong “Aklat  ng Bayan” na kinatatampukan ng literaturang rehiyonal.

Katunayan nitong Lunes (Agosto 24) ay inilunsad ito sa Pambansang Museo.

Suportado ni Direktor Jeremy Barns ang nasabing gawain bilang pakikiisa ng Pambansang Museo sa taunang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa.

Nagbigay ng makabuluhang panayam sa forum ang mga batikang manunulat na sina Prop. Junley Lazaga,  Prop. Kristian Cordero, at Prop. John Iremil Teodoro na dinaluhan ng mga guro, mag-aaral, at propesyonal.

Nagbigay ng mga libreng aklat sa ilang piling publikasyon sa mga tumangkilik ng mga publikas-yon sa proyektong Aklat ng Bayan ng KWF.

Kabilang sa ANB ang Huseng Sisiw. Saliksik at pag-aaral ni Jose Ma. Rivera; Mga Retrato han Akon Bungto at iba pang akda ni Illuminado Lucente; Pagbalik sang Babaylan; Pandiwa (Sulyap sa Katutubo at Rehiyonal);  Tagalische Verskunst; Buhay at Kulturang Filipino ni Norberto L. Romualdez; Napapanahong Panlipunang Pilosopiya ni Manuel Dy Jr.; Ang Rebolusyong Filipino ni Apolinario Mabini; Atlas ng mga Bansa sa Mundo; Pitong Kuwento ni Anton Chekhov;   Dandaniw Ilokano; Gitanjali ni Rabindranath Tagore; Niyebe ng Kilimanjaro ni Ernest Hemingway;  Ang Metamorposis ni Franz Kafka; Ang Republika ni Mabini; Manwal sa Masinop na Pagsulat, Ikalawang Edisyon; Introduksiyon sa Pagsasalin; Ang Kuwintas at Iba Pang mga Kuwento ni Guy De Maupassant; Naku, ang Maynila! ni Juan M. Buhay; Isang Sariling Wikang Pambansa; Sawikaan: Isang Dekada ng Pagpili ng Salita ng Taon; Pagdakëp sa Ilahas, salin ng ilan sa pinakamahuhusay na makabagong prosa at tulang Kinaray-a; An Satuyang Kakanon sa Aroaldaw; pinakikilalang bagong koleksiyon ng mga tulang Bikol; at Bayung Sunis ni Zoilo Hilario.

Ang inyo pong lingkod ay lubusang nakikiisa sa isinusulong na programa ng KWF.

Mabuhay po ang Komisyon sa Wikang Filipino!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *