Tuesday , December 24 2024

Kilabot meets Kilabot @ Music Museum sa August 29!

082815 Michael Pangilinan haji kilabot
NAMAMAYAGPAG ang singing career ni Michael Pangilinan, ang tinaguriang Bagong Kilabot Ng Mga Kolehiyala. Katatapos lang niya ng shooting ng first major film niya, ang movie version ng hit song niyang Pare, Mahal Mo Raw Ako sa direksiyon ni Joven Tan na ang lalabas na gay best-friend niya ay si Edgar Allan Guzman with Superstar Nora Aunor in a very special guest role.

Dalawang songs na lang at matatapos na rin ang second album niya under Star Music. Magsisimula na rin ang staging ng first musical niyang KANSER@35 ng Gantimpala Theater Foundation this Friday, August 28 sa AFP Theater with Michael playing Crisostomo Ibarra (2 shows on that date and many other performances this September and October) under the direction of Frannie Zamora and come August 29 at 9:00 p.m. naman (Saturday), Front Desk Entertainment Production mounts Michael’s latest concert at the Music Museum entitled Kilabot Meets Kilabot na makakasama niya for the very first time sa concert stage ang original Kilabot Ng Mga Kolehiyalang si Hajji Alejandro, under the musical direction naman of Mr. Butch Miraflor.

“Dito ako lalong kinabahan. Kasi naman, binigyan pa kasi nila ako ng title na ‘Bagong Kilabot Ng Mga Kolehiyala’ kaya heto ngayon, ninenerbiyos akong makasama sa stage ang original na Kilabot. Nakakakilabot tuloy. Baka hindi ko mabigyan ng justice ang title na iyan kasi heto na—kinakabahan akong baka lamunin ng buhay ni Tito Hajji. Inaaral ko nga ang duet number namin. Grabe pala ang popularity niya during his time, ‘di ba? Na-research ko iyon ha. Kakantahin namin ang paborito kong ‘Tag-araw, Tag-ulan’ na pinasikat niya in the ’70s ba or ’80s na? Ganda ng song. Isinama ko nga ito sa second album ko eh, kasabay ng isang magandang song din ng isa pang Kilabot Ng Mga Kolehiyala na si Mr. Ariel Rivera, ‘yung ‘Ayoko Na Sana’. Sayang nga at ‘di pumuwede sa sked ni Kuya Ariel ang August 29 dahil may taping siya, sana tatlo kami sa stage. Next time siguro, maybe in a bigger venue ‘pag tatlo na kami. Ha! Ha! Ha!” ani Michael Pangilinan na left and right ang commitments lately kaya talagang gumagawa siya ng paraan para maaral ang mga exciting numbers niya sa Music Museum this Saturday.

“Marami akong bagong piyesang kakantahin in this ‘Kilabot Meets Kilabot’ concert. Ganda ng ginawang line-up sa akin ni Tito Butch. Sana magampanan ko lahat ito, please pray for its success. Mas gusto ko na itong ngaragan sa pagka-busy kaysa naman maghapon akong nakatunganga sa kuwarto ko o nagbibilang ng mga sasakyang dumaraan sa kalsada, ‘di ba? Medyo busy lang lately kasi nagkasabay-sabay lang pero no complaints. Mabuti nga at may trabaho, ‘di ba? I am saving kasi for my future at saka this is one thing that I truly enjoy doing —ang pagkanta. This is my life, if I may say so,” ani pa ni Michael.

Sold out na actually ang tickets to Michale P’s Music Museum concert – kaunti na lang ang natitira kaya sa mga hindi pa nakaka-avail ng tickets to the show, go na lang kayo sa venue earlier on Saturday, August 29 at gagawan natin ng paraan. This concert also features top comic acts in the country like Boobsie Wonderland, AJ Tamiza and Le Chazz. Producer is Jobert Sucaldito.

This Kilabot Meets Kilabot concert won’t be possible without the support of the following presenters: Isabela Governor Bojie Dy, Capt. Ernie Moya, Mr. Neal Gonzales and Mang Inasal. Thanks too sa ating mga major sponsors like Ms. Chaye Cabal-Revilla, Ms. Laarni Enriquez, Quadro Frames, Sen. Nancy Binay, Mr. Art Atayde, Guiguinto (Bulacan) Mayor & Mrs. Boy and Precy Cruz, Mama Lily and Daddy Henry Chua, Atty. Ferdie Topacio, Ms. Donna Villa and Direk Carlo J. Caparas, Kuya Boy Abunda, Mrs. & Mrs. Nixon and Adela Teng, Dreamwave Resort Hotels, Joel Cruz Signatures and Aficionado Germany Perfume.

Come one, come all. See you all at the Music Museum on August 29, 2015 at 9:00 p.m.. for the Kilabot Meets Kilabot concert.

About hataw tabloid

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *