Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Foreigners, enjoy din sa mga pabebe ng Aldub (Hindi lang Pinoy ang nahuhumaling)

082815 AlDub alden yaya
MANINIWALA ba kayo, pati ang ilang mga kaibigan naming nasa Canada , iyong wala namang nalalaman talaga sa showbusiness, itinatanong sa amin kung ano raw ba iyong pinag-uusapangAldub dito sa Pilipinas. Noong i-forward namin sa kanila ang short video ng Aldub na kumakalat sa internet, aba nagtatawanan daw sila, natuwa sila at dahil doon ay nanonood na sila ng Eat Bulaga kahit na alanganin sa oras nila roon sa pamamagitan ng live streaming sa internet. Sabi nga namin, pakabit na lang sila ng Pinoy TV, pero mukhang hindi sila interesado sa buong channel, gusto nila ay isang show lamang.

Filipino pa lang ang nahuhumaling diyan sa Aldub, pero palagay namin, very soon maging ang mga dayuhan ay makukuha na nila. Kasi noong isang araw, sa isang restaurant, nanonood din sa Aldub iyong ilang foreigners na kasabay naming kumakain, at nagtatawanan din sila sa napapanood nila hindi man siguro nila lubusang naiintindihan. Pero halata mo, enjoy sila sa mga pabebe ni Yaya Dub.

Ngayon, napansin din namin na dahil sa pagkakahumaling ng mga kabataan diyan sa Aldub, at saka siguro dahil sa popularidad na rin ni Daniel Padilla, aba mukhang natatabi na ang mga artistang Koreano. Hindi na namin naririnig iyong pangalan ng mga Koreano. Hindi kagaya noon na basta mabanggit lang ang pangalan ni Lee Min Ho kinikilig na ang mga babae. Ngayon si Daniel naman at si Alden ang kanilang kinahuhumalingan. Si Yaya Dub naman ang gusto nilang peg.

(Ed de Leon)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …