Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Coco, ibang klaseng humugot ng emosyon

082415 coco martin
SUPORTADO ng naglalakihang celebrities ang katatapos lang na Celebrity Screening ng inaabangang pagbabalik serye ni Coco Martin, ang FPJ’s Ang Probinsi yano na ginanap sa Cinema 7 ng Trinoma.

Isang pagtitipon na nataon naman sa mismong kaarawan ni Da King Fernando Poe Jr..

Present lahat ng cast at production involved sa serye ng Dreamscape Entertainment ni Deo Endrinal. So happy being invited dahil nakita ko na naman ang pinakamamahal naming si Coco.

Sa aming panonood para sa isang linggong episode ng serye, wala ka naman talagang masasabi sa acting ni Coco. Riyan kami bilib sa aktor na ito. Kahit anong ipagawa mong role sa kanya, maliit man ‘yan o malaki, papalakpakan mo talaga ang kanyang galing. Ibang klaseng humugot ng emosyon si Coco. Pakiramdam mo, siya na talaga ‘yung karakter na ginagampanan niya. ‘Yung pagkilos ng kanyang mukha, kilay, mata, bibig pati ang paggawa ng kanyang ilong kapag galit siya, wala kang maipintas sa aktor na ito.

Ang nakatutuwa pa kay Coco, siya ‘yung artistang kahit saan mo makita, siguro kahit magkasalubong kayo sa palengke, lalapit siya sa iyo at bebeso at may paggalang!

Simple lang naman ang dating ng acting ni Coco rito saAng Probinsiyano, pero ang bigat ng hugot at ipararamdam niya sa iyo ang bawat eksena!

Si Coco Martin naman talaga ang pinakasikat na aktor sa kanyang henerasyon ngayon. Sobra. No wonder why, marunong siyang tumanaw ng utang na loob. Mahal niya ang kanyang pamilya. Mahal na mahal niya ang kanyang propesyon at marunong kumilala ng mga taong tumutulong sa kanya that’s why sobrang blessed siya!

 

REALITY BITES – Dominc Rea

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Dominic Rea

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …