Sunday , December 22 2024

Milyones mawawala sa gov’t sa No Remittance Day

082715 philippines budget money
INIHAYAG ng grupong Migrante party-list, milyon-milyon ang mawawala sa gobyerno sa ikinasang “No Remittance Day” ng overseas Filipino workers (OFWs) sa Biyernes, Agosto 28.

Ikinasa ang “No Remittance day” bilang pagpapakita ng protesta ng OFWs sa isyu ng pagbubukas ng balikbayan boxes sa Bureau of Customs.

Sinabi ni Migrante chairperson Connie Bragas-Regalado, kompirmadong kasunod ng panawagan at udyok ng OFWs sa Estados Unidos, Canada at Asia Pacific na pinanggagalingan ng bulto ng mga remittance.

Paliwanag ni Regalado, ibinase nila ang pagkalugi ng gobyerno sa kawalan ng isang araw na halaga ng remittance sa mga nauna na nilang “zero remittance day” tulad noong ikinasa nila sa pagkontra sa Charter change.

Bukod aniya sa random balikbayan box inspection na iniutos ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na ihinto, nais din nilang iprotesta ang P600 milyong target revenue ng pamahalaan mula sa balikbayan boxes.

‘NRD’ INISMOL NG PALASYO

082715 money malacanan

MINALIIT ng Palasyo ang ilulunsad na “No Remittance Day” ng grupong Migrante bilang protesta sa pagtatakda ng gobyerno ng P600-milyong revenue sa balikbayan boxes.

Iginiit ng Migrante na hindi dapat ituring ng gobyerno na “milking cow” ang overseas Filipino workers (OFWs).

Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr., walang dapat ikabahala sa “No Remittance Day” dahil dati na itong ginawa sa kasagsagan ng pork barrel scam issue ngunit walang naiulat na masamang epekto.

“Ang dating naging karanasan diyan ay noon pang 2013, noong kasagsagan ng isyu ng PDAF (Priority Development Assistance Fund) o pork barrel, at noon naman ay walang naiulat na masamang epekto. Kaya kung ‘yon ang pagbabatayan ay tila wala naman tayong dapat ikabahala hinggil dito,” ani Coloma.

Isang araw lang naman aniyang maaantala ang pagpapadala ng remittance ng OFW sa kanilang pamilya at hindi naman habambuhay.

“Kaya sa kanilang pagpapasya, isasaalang-alang nila na, kung ano man ang pagpapahayag ng kanilang saloobin, kailangan pa rin nilang maiparating ‘yung mga remittance na ‘yon. Maaaring maantala siya ng isang araw pero hindi naman siguro ito nila iniisip na huwag ipadala,” aniya.

Patuloy aniyang kinikilala ng administrasyong Aquino ang mahalagang ambag ng OFWs sa ating ekonomiya, bagaman kailangan din isaalang-alang ang pangangailangang sawatain ang smugglers na nananamantala sa bayan sa paggamit ng balikbayan boxes at sirain ang simbolo nito bilang bunga ng pagpupunyagi ng OFWs na nagsasakripisyong magtrabaho sa ibang bansa para sa kapakanan ng kanilang pamilya.

(ROSE NOVENARIO)

35% TAX SA DOLLAR REMITTANCES ITINANGGI NG BIR

082715 BIR kim henares

MARIING pinabulaanan ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim Henares ang kumalat na isyu sa social media hinggil sa sinasabing pagpataw ng buwis ng Kawanihan ng Rentas Internas sa dollar remittances ng overseas Filipino workers (OFWs).

Nilinaw ni Henares na hindi ito totoo. Aniya, sa simula pa lamang, ang BIR ay hindi tagapataw ng buwis, kundi taga-implementa lang sila at kung walang batas, walang dahilan na gagawin nila ito.

Inamin ni Henares na hindi siya gumagamit ng social media.

Napag-alaman, umani ng negatibong reaksiyon mula sa OFWs lalong-lalo na sa Amerika, ang sinasabing 35 percent “gift tax” sa dollar remittances ng OFWs.

Ang naturang isyu ay kasunod din ng pag-alma ng OFW sa plano sana ng Bureau of Customs (BoC) na isailalim sa physical inspections ang lahat na ipinadadala sa Filipinas na balikbayan boxes.

Ang naturang patakaran ay hindi ipinatuloy ng Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *