Sunday , December 22 2024

100 SUCs tatapyasan ng budget (Protesta ikinasa)

UMAABOT sa 59 state universities and colleges (SUCs) ang makararanas ng kaltas sa kanilang operating budget sa susunod na taon, habang 40 iba pa ang makatitikim ng kaltas sa kanilang capital outlay.

Sinabi ni Kabataan partylist Rep. Terry Ridon, sa unang tingin ay mas mataas nang kaunti ang P10.5 bilyon na 2016 budget ng buong Commission on Higher Education (CHED) ngunit kapag hinimay ito ay lalabas ang kaltas sa alokasyon sa SUCs.

Ngunit nang kanilang sumahin, ang kaltas sa maintenance and other operating expenses ng 59 na SUCs ay aabot sa P477.8 milyon habang P4.8 bilyon ang magiging bawas sa capital outlay ng 40 SUCs sa 2016.

Pinakamalaki ang kaltas sa MOOE ng Tawi-Tawi College of Technology and Oceanography, Mindanao State University at Iloilo State College of Fisheries.

Sa Western Visayas ang may pinakamaraming SUCs na nakaltasan ang MOOE sa bilang na walo, habang pangalawa ang Eastern Visayas na may pitong SUCs na may kaltas din ang MOOE sa susunod na taon.

Binanggit din ni Ridon na sa 40 SUCs na mababawasan ang capital outlay, ang University of the Philippines (UP) ang makararanas ng pinakamalaking kaltas sa halagang P2.2 bilyon.

At tatlong SUCs ang wala talagang alokasyon ng capital outlay kabilang dito ang Marikina Polytechnic College, Cagayan State University at Bulacan State University.

Sinabi ng mambabatas, ang mga kaltas na ito sa pondo ng SUCs ay nagdudulot na ng pagkaalarma sa mga opisyal ng mga paaralan at humihingi na ng saklolo sa kanilang mga kongresista.

WALKOUT IKINASA VS TAPYAS-PONDO SA SUCs

NAGKASA ng nationwide walkout ang mga estudyante mula sa state universities and colleges bilang protesta sa pagbabawas ng kanilang pondo para sa 2016.

Pangungunahan ito ng National Union of Students of the Philippines at Rise for Education Alliance sa Huwebes.

Bagama’t P43.8 bilyon ang pondo para sa 2016 na mas mataas kompara sa P42.3 bilyong pondo ngayong taon, babawasan ang budget ng 59 unibersidad para sa kanilang capital outlay at maintenance and other operating expenses (MOOE).

Sa budget hearing ng CHED, nabatid na kabilang sa babawasan ng budget ang University of the Philippines, sa kabila ng problema nito sa dormitoryo at classrooms.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *