GENERAL SANTOS CITY – Selos ang maaaring motibo ng pagpatay ng isang mister sa kalaguyo ng kanyang misis.
Ang biktima ay kinilalang si Arman Lino, 21, at ang suspek ay si Elias Mayungi, 24, kapwa residente ng Lamkanal, Malungon, Sarangani Province.
Sa impormasyon mula sa Malungon Municipal Police, matagal nang nagdududa ang suspek na ang kanyang misis ay may iba pang karelasyon.
Nitong Linggo, sinundan ni mister ang kanyang misis hanggang sa plantasyon ng niyog at doon nakitang kasama si Lino at agad kinompronta ang dalawa na humantong sa pagtatalo.
Hanggang saksakin ni Mayungi ang sinasabing kalaguyo ng kanyang asawa.
Gayonman, hindi na magsasampa ng kaso ang pamilya ng biktima base sa kanilang napag-usapan.