Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Clarkson kasama sa lineup ng Gilas (Lalaro sa FIBA Asia)

052815 Jordan Clarkson
ISINAMA ng Samahang Basketbol ng Pilipinas ang pangalan ng Fil-Am ng Los Angeles Lakers na si Jordan Clarkson sa lineup ng Gilas Pilipinas para sa FIBA Asia Championships sa Changsha, Tsina, mula Setyembre 23 hanggang Oktubre 3.

Bukod kay Clarkson, kasama rin sa listahan ng 24 na manlalaro na tinaguriang “just-in-case” sina Andray Blatche, Jimmy Alapag, Gabe Norwood, Sonny Thoss, Calvin Abueva, J. C. Intal, Aldrech Ramos, Marc Pingris, Jayson Castro, Troy Rosario, Matt Ganuelas-Rosser, Dondon Hontiveros, Gary David, Ranidel de Ocampo, Moala Tautuaa, Asi Taulava, Terrence Romeo at ang amatyur na si Kiefer Ravena ng Ateneo Blue Eagles.

Pati sina June Mar Fajardo, LA Tenorio, Paul Lee at Marcio Lassiter ay inilagay sa listahan kahit umayaw na silang lahat.

Kinompirma ng Executive Director ng SBP na si Renauld “Sonny” Barrios na may passport na Pinoy si Clarkson kaya puwede siyang maglaro sa Gilas kapag inayos na ito sa FIBA.

“The mere fact that he’s here to bring the documents needed and observe the Gilas practice, that’s a positive sign,” wika ni Barrios. “He, in fact, has two Philippine passports — the old (green-colored) and the new one (dark maroon-colored).”

Dumating na sa bansa si Clarkson noong Lunes ng gabi upang obserbahan ang ensayo ng Gilas at makipag-usap sa pangulo ng SBP na si Manny V. Pangilinan tungkol sa kanyang paglalaro sa national team ni coach Tab Baldwin.

(James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About James Ty III

Check Also

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …

Kira Ellis Fernando Casares SEAG

PH completes sweep of 3 triathlon golds

RAYONG, Thailand – Nilinis ng koponan ng triathlon ng Pilipinas ang lahat ng tatlong gintong …

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …