PATAY ang dalawang pinaniniwalaang mga miyembro ng bandidong Abu Sayyaf sa inilunsad na search and destroy operations ng militar kahapon ng madaling araw sa mga lugar na hinihinalang pinagkukutaan ng mga bandido sa Patikul, Sulu.
Ayon kay Joint Task Group Sulu commander Brig. Gen. Allan Arojado, ang inilunsad na operasyon ay karugtong sa inilunsad na operasyon noong Agosto 19 na ikinamatay ng 29 ASG members habang 26 ang sugatan.
Kinilala ni Arojado ang dalawang napatay na mga bandido na sina Emmar Jamhari, at Naser Muhammad, mga tauhan ni ASG leader Hatib Hajan Sawadjaan.
Sinabi ni Arojado, ginamitan ng 81mm mortar ng 35th Infantry Batallion ang liblib na mga sitio sa layuning pulbusin ang mga bandido.
Samantala, isang bandido ang nasugatan na kinilalang si Ammel Madjid habang nakatakas ang iba pa niyang mga kasamahan.