Saturday , November 23 2024

QC Hall Police Detachment ‘di ba kinikilala si Gen. Tinio?

00 aksyon almarANO kaya ang nais palabasin ng ilang pulis na nakatalaga sa Quezon City Police District (QCPD) City Hall Police Detachment sa pagya-yabang na wala raw ipinagkaiba ang ‘talim’ ng opisina nila sa QCPD District Office, Kampo Karingal?

Ipinagmamalaki ng ilang tiwaling pulis sa detachment na wala raw ipinagkaiba ang ‘asim’ ng District sa detachment dahil rekta silang nag-uulat o kumukuha ng utos mula sa Mayor’s Office.

Ganoon ba iyon?

Tsk tsk tsk… Chief Supt. Edgardo G. Tinio, QCPD Director, ano kaya ang ibig palabasin ng ilang tiwaling pulis ng detachment? Mukhang tablado ka sa ilang pulis dito at hindi ka nila kinikilala bilang ama ng pulisya ng QC. Totoo kaya itong kakaibang klase ng info na ipinukol sa atin?

Teka, infairness sa hepe ng City Hall Police Detachment na si Chief Insp. Rolando S. Lorenzo, Sir, totoo nga bang hindi kinikilala ng detachment mo si Gen. Tinio? Hindi naman siguro ano sir? Ikaw pa, ‘di ba sir? Alam ko na kahit nasa ilalim rin ng Office of the Mayor ang detachment ay kinikilala mo pa rin ang distrito lalo na si DD, Gen. Tinio. Hindi ba Ginoong Lorenzo?

Lamang baka ilan sa mga tauhan mong tiwali ang tumatabla sa distrito dahil sa – ‘ika nga’y “self interest.”

Pero sa info, nakuha ko na ang punto ng pagyayabang ng ilang taga-city hall police detachment sa pagkakasabing magkapareho lang sila ng ‘asim’ at ‘talim’ sa distrito.

Yes, ang lahat ay para nga sa pangsariling interes kaya sinasabi ng ilang taga detachment na kasing asim nila ang distrito. Ito ay para lumaki o tumaas ang kanilang lingguhang intel sa mga vices sa Quezon City. Totoo ba ito?

Ilan kasi sa mga pulis ng detactment na umiikot sa vices sa lungsod ay nagpapataas ng intel – ito ay para daw sa ‘gastusin’ ng opisina. Halimbawa, kung dati rati ay P1,000 ang ibi-nibigay na lingguhan ng isang bahay aliwan ay pinadodoble ito – magiging P2,000. Ganyan din sa mga pasugalan. At ang umangal!? Huli sila!

Sasalakayin sila ng mga operatiba ng detactment. Kaya kapag sinalakay at nahulihan, no choice ang mga ‘negosyante’ kundi ibigay ang nais ng mga tiwali sa detachment.

Maj. Lorenzo, naniniwala akong wala kang kautusan na ganito sa mga tauhan mo. Pero dapat siguro na kumilos ka. Ilan sa mga tiwali mong tauhan na umiikot sa mga bahay aliwan, sugal, sauna na prente ng pokpokan blues, ay abusado at ginagamit ang detachment at ang Mayor’s Office. Iniyayabang nila na kasing asim ng detachment ang distrito. Kaya ang dapat daw ay magkapareho lang ang bigay. Ganoon ba ‘yon?

Maj. Lorenzo, kilos dahil malamang ay nagagamit din ang pangalan mo sa kalokohan ng ilan mong tauhan. Tulad nga ng nabanggit, naniniwala akong walang kang kinalaman sa gawain ng ilang mong tauhan kaya, dapat na tuldukan mo na ang kalokohan nila para hindi ka pagdudahan.

Alam ko Maj. Lorenzo na isa kang matino at malinis na opisyal.

Kaya kilos!

AKSYON AGAD – Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *