Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Patay kay Ineng umakyat na sa 17

082515 NDRRMC PHiLIPPINES
UMAKYAT na sa 17 ang kompirmadong namatay dahil sa bagyong Ineng, bagyong may international name na Goni.

Ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nagmula ang mga biktima sa Mountain Province, Abra, Benguet, La Union at Ilocos Norte.

Habang 17 rin ang naitalang nasugatan at 14 ang hindi pa natatagpuan.

Umabot sa 16,499 pamilya o katumbas ng 72,326 katao ang inilikas dahil sa pananalasa ng bagyo.

Nasa 2,017 pamilya sa mga ito ay maagang inilayo sa kanilang mga lugar na deklaradong danger zone dahil sa baha at landslide.

BUONG ILOCOS WALANG KORYENTE, NGCP TOWER NASIRA

VIGAN CITY – Walang koryente ang halos buong probinsya ng Ilocos Sur at Ilocos Norte makaraan ang pananalasa ng bagyong Ineng.

Ayon kay Lilibeth P. Gaydowen, spokesperson ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP)- Northern Philippines, natumba ang kanilang tower sa Nagtupacan, bayan ng Sta. Maria.

Sinabi ni Gaydowen, nahihirapan ang kanilang linemen na pasukin ang lugar dahil sa pitong talampakang lalim ng tubig-baha.

Dahil dito apektado ang mga bayan ng Sta. Maria, Narvacan, Burgos, Nagbukkel, Santa, San Emilio, Lidlidda, at ang 11 bayan sa unang distrito ng probinsiya.

Kasama rin sa walang suplay ng koryente ang lalawigan ng Ilocos Norte.

Sinasabing posibleng matatagalan ang pag-repair ng transmission lines kung magtutuloy-tuloy ang pag-ulan.

Umaasa ang NGCP na huhupa ang tubig-baha upang agad nilang maayos ang sirang linya at maibalik na ang koryente.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …