Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 gang members utas sa shootout sa Bulacan (1 nakatakas)

041815 dead gun crime
NAPATAY ang dalawang hinihinalang miyembro ng crime gang habang nakatakas ang isa nilang kasamahan makaraang makipagbarilan sa mga pulis sa San Jose del Monte City kahapon.

Sa ulat ni Supt. Charlie Cabradilla, hepe ng SJDM City police, kay Bulacan Police director, Sr.Supt. Ferdinand Divina, ang mga napatay ay kinilalang sina Apolinario Bonifacio alyas Apolo; at Victorio Hosmillo, kapwa residente ng Brgy. San Pedro sa naturang lungsod.

Ayon kay Divina, isang alyas Omar ang nakatakas habang nagaganap ang shootout ng mga suspek at mga pulis dakong 1:30 a.m. kahapon.

Nabatid mula kay Cabradilla, nagsasagawa sila ng drug surveillance operation at magsisilbi sana ng warrant of arrest para sa kasong robbery kay Bonifacio nang bigla silang paulanan ng bala ng mga suspek.

Binanggit ng opisyal na si Bonifacio ay no. 5 priority target ng Bulacan Police Provincial Office, at no.1 priority target para sa ilegal na droga ng SJDM City police.

Habag ang kasamahang si Hosmillo ay dating inmate sa National Bilibid Prison (NBP).

Na-recover sa lugar ng insidente ang isang caliber .45 Taurus pistol na may 2 magazine, isang cal. 38 revolver na kargado ng bala, 3 piraso ng basyo ng bala, isang cal. 45, tatlong motorsiklo na walang kaukulang dokumento, mga piyesa ng motorsiklo, limang sachet ng hinihinalang shabu, drug paraphernalia, isang digital weighing scale, at dalawang piraso ng kinatay na cal. 38 revolver.

(MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Aspin Kobe Putol Dila

Naputol na dila ng aso resolbado na
‘Dog eat dog’ literal na naganap sa kaso ng Aspin na si Kobe

HINDI TAO kundi kapwa aso ang suspek sa pagkaputol ng dila ng Asong Pinoy (AsPin) …

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …

Brian Poe FPJ Grace Poe

Iba’t Ibang sektor nagkaisa sa paggunita kay FPJ
Suporta para sa legasiya ni FPJ at Grace Poe ipinahayag sa Ika-21 anibersaryo ng pagpanaw

LIBO-LIBONG mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ang nagsama-sama upang gunitain ang ika-21 anibersaryo ng …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …