SI Paulo Avelino ang mapapanood ngayong Linggo sa Wansapanataym na may titulong Cocoy Shokoy.
Sa episode, gagampanan ni Paulo ang karakter ni Cocoy, isang binata na hindi nagpapatalo sa pag-ibig at sa paborito niyang sport na swimming.
Dahil sa pagdating ng isang bagong estudyante, aabusuhin ni Cocoy ang mahiwagang kwintas na ipinagkaloob sa kanya ng isang syokoy upang mapanatili ang kasikatan sa kanilang eskuwelahan.
Ano ang gagawin ni Cocoy sa oras na siya ay maging isang syokoy dahil sa pag-abuso niya sa kapangyarihan ng kwintas? Matutuhan na kaya niya na magpakumbaba at tanggapin ang kanyang pagkatalo at mga pagkakamali? Kasama rin sa Cocoy Shokoy sina Coleen Garcia, Jovic Susim, Janus del Prado, Cai Cortez, at Amy Nobleza.
Mula sa panulat ni Joel Mercado at direksiyon ni Darnel Joy Villaflor. Huwag palampasin ang Wansapanataym Presents Cocoy Shokoy ngayong Linggo na sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang@abscbndotcom sa Twitter. Samantala, maaari na ring panoorin ang full episodes o past episodes ng Wansapanataym gamit ang ABS-CBNmobile. Pumunta lamang sa www.abscbnmobile.com para sa karagdagang impormasyon.
FACT SHEET – Reggee Bonoan