Wednesday , November 20 2024

Ate Vi, mas gustong mamuhay nang simple

072715 Vilma Santos
AYAW pa kasi nilang maniwala, kahit na kami matagal na naming sinasabi iyan. Noong nakaraang taon pa iyan. Sinasabi na talaga ni Ate Vi (Santos) na wala siyang interes na tumakbong vice president. Ilan na nga ba ang lumapit kay Ate Vi noon pa na inaalok na ng ganyan, at hindi naman lihim iyan. Pero noon pa man sinasabi niyang hindi siya interesado talaga. Ang gusto niya, after 18 years, mamuhay siya ng simple ulit at gusto niyang balikan ang showbusiness.

Kung titingnan ninyo, aba ang daming politiko riyan na basta inalok   tumakbo sa isang mas mataas na posisyon, lalo na nga’t bilang ka-tandem sa isang malakas na partido, tiyak malaking pondo, o kaya naman ay isang mas popular na kandidato, aba eh siguradong nanginginig pang papayag. Eh bakit si Ate Vi ayaw talaga siyang pinipilit?

Siguro nga kasi, nakikita nila ang mga alas ni Ate Vi. Sa loob ng 18 taon, wala silang maituturong anomalya kung saan siya naging involved. Sa loob ng 18 taon, happy ang lahat sa kanyang ginawang pamumuno at mga natapos niyang proyekto. Naging mabilis ang development lalo na sa turismo, kasi sinasabi nga nila lahat ng dumarayo sa Batangas kasama na yata sa tour destination iyong courtesy call at picture taking sa kapitolyo kasama ang gobernadora.

Ang sabi nga nila, “si Gov ang malaking tourist attraction namin dito eh”.

Noong nakaraang eleksiyon, siya ang kandidatong tumanggap ng pinakamalaking kalamangan sa kanyang nakalaban kahit na hindi na siya nangampanya. Ang paniwala siguro nila, ang magandang record ni Ate Vi, at ang malaking tiwalang ibinibigay sa kanya ng mga Batangueno ay malaking bagay sa makaka-tandem, kaya naman aligaga sila at halos piliting makuha siya.

Alam ninyo kasi iyang politika hindi lang naman popularidad ang laban diyan eh. Ang mahalaga ay ano ba ang pagkakakilala sa iyo ng mga tao. Eh iyang si Ate Vi, binigyan pa iyan ng pinakamataas na public service award dahil sa kanyang paglilingkod. Iyong kanyang award na iyon bilang public official ay katumbas na rin, kung hindi mas mataas pa sa rank ng national artist.

Pero may nagsabi nga sa amin, bakit hindi naman nila subuking si Nora Aunor ang kumbinsihing tumakbo bilang vice president?

 

HATAWAN – Ed de Leon

About Ed de Leon

Check Also

Nova Villa Noel Trinidad Tessie Tomas

Asawa ni Nova 7 taon nang nasa banig ng karamdaman 

RATED Rni Rommel Gonzales SA loob ng kung ilang dekada ay aktibo sa pelikula at …

Shea Tan Ruffa Mae Quinto

Rufa Mae nalunasan sobrang pagpapawis ng kili-kili

MATABILni John Fontanilla HINDI nagdalawang isip si Rufa Mae Quinto na tanggapin ang isang produktong makatutulong para …

Tulfo, researcher at iba pa sinampahan kasong cyber libel ni Ginco 

HATAWANni Ed de Leon NAGSAMPA ng demandang cyber libel ang dating program manager ng TV5 na si Cliff …

Karla Estrada Kathniel Daniel Padilla Kathryn Bernardo

Karla Estrada may ibubunyag ukol sa KathNiel

HATAWANni Ed de Leon WALA namang sinabi si  kung ano ang ilalabas niyang revelations tungkol …

Chelsea Manalo Victoria Kjær Theilig

Chelsea Manalo itinanghal na Miss Universe Asia; Miss Denmark Victoria Kjær Theilvig Miss Universe 2024

HINDI man pinalad makapasok sa Top 12 at maiuwi ng pambato ng Pilipinas ang Miss Universe …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *