Wednesday , November 20 2024

P367.5-M kada taon nawawala sa senior citizen program sa Makati

blu card makatiUMAABOT umano sa P367.5 milyon ang nawawala bawat taon sa senior citizen program o BLU Card program ng mga Binay sa Lungsod ng Makati.

Ito ang lumabas sa inisyal na imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Sub-committee nang humarap sa pagdinig si Arthur Cruto, ang head ng Makati Action Center.

Ayon kay Cruto, nang mag-takeover si acting Mayor Kid Peña makaraan masuspinde si Makati Mayor Junjun Binay ay nagsagawa sila ng audit o survey sa mga bahay upang alamin ang kalagayan ng senior citizen program ng mga Binay.

Lumalabas aniya na 40 hanggang 52 porsiyento ng mga pangalan sa talaan ng Makati Social Welfare Department (MSWD) ay ghost senior citizen o katumbas ng 31,280 matatanda ang hindi matukoy ang kinaroroonan at ang iba ay hindi rehistrado sa Commission on Elections (Comelec) at hindi rin residente ng Makati.

May mga ebidensya si Cruto na iprinesenta sa komite kabilang na rito ang sertipikasyon na namatay na ang isang lolo noong 2013 ngunit hanggang 2015 ay tumatanggap pa rin ng benipisyo at may nakapirma sa kanyang pangalan.

Sa ilalim ng BLU Card o senior citizen program ng mga Binay, nasa P11,750 ang average na tatanggapin ng bawat senior citizen sa Makati bawat taon na kinabibilangan ng kanilang cash gift, birthday cake, groceries bukod pa sa P3,000 burial assistance sa oras na pumanaw.

Tiniyak ni Cruto na magpapatuloy pa ang kanilang audit sa bawat barangay sa Makati kaugnay ng isyu sa senior citizen.

Malamang hindi lamang ‘yan ang matuklasan ng bagong administrasyon sa Makati  kapag  ipinagpatuloy nila ang imbestigasyon.

At kapag nabuyangyang pa ang iba’t ibang uri ng ‘MULTO SA MAKATI’ e talagang walang kapantay ang mga Binay sa panggagahasa sa kabang yaman ng bayan.

Sana ay huwag manghinawa ang grupo nina Makati acting Mayor Kid Peña sa pagsudsod ng kung ano-ano pang ‘kababalaghan’ sa lungsod na ‘yan.

Go Mayor Kid Peña!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *