Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ulo ng motorcycle rider pisak sa bus

PATAY ang isang motorcycle rider makaraan mahagip at magulungan sa ulo ng isang pampasaherong bus sa Ople Road, Brgy. Bulihan, Malolos, Bulacan kamakalawa.

Kinilala ang biktimang si Daniel Dionisio, 28, residente ng Brgy. San Pedro, Hagonoy, sa naturang lalawigan.

Ayon sa ulat  ng Malolos Police, lulan ang biktima ng kanyang motorsiklo nang mahagip ng bus ng Golden Bee Transport na minamaneho ni Eduardo Luna, residente ng Pulilan, Bulacan.

Nabatid na papunta ang bus sa direksyon ng Paombong habang ang motorsiklo ay patungo sa Mac Arthur Highway, sa Malolos.

Sinasabing kinain ng bus ang linya ng motorsiklo na ikinawala ng kontrol nito hanggang matumba ang biktima at nasagasaan ang kanyang ulo ng kaliwang hulihang gulong ng bus.

Ang driver ng bus na nakadetine sa Malolos City jail ay nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide and damage to property.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …