Friday , November 15 2024

Parangal sa SAF 44, ipinagkakait – Rep. Pagdilao

00 aksyon almar“It is not in the honor that you take with you, but the heritage you leave behind.” Minsang sinabi ito ni Branch Rickey.

Sa ganitong pamamaraan dapat manatiling buhay ang alaala ng magigiting na kasapi sa PNP Special Action Force (SAF) na minasaker ng MILF noong Enero 2015. Isinantabi ng SAF ang pansariling kaligtasan sa ngalan ng pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa bansa, at sa kadahalinang ito ay hindi  dapat kalimutan o ipagsawalang-bahala.

Si Anti-Crime and Terrorism through Community Involvement and Support (ACT-CIS) Party-list Rep. Samuel “Sir Tsip” Pagdilao ay masigasig na nanawagan at ipaglaban ang katarungan para sa SAF 44.

Sigaw ni Pagdilao ang katarungan dahil sa nakikitang kilos-pagong sa pagsasampa ng kaso laban sa mga MILF na nasangkot sa masaker, sa kabila na matagumpay naman ang operasyon nang mapatay nila ang teroristang si Marwan. Bukod dito, desmayado rin ang kongresista sa hindi paggawad ng parangal ng Medal of Valor kina PO2 Romeo Cempron at P/Supt. Raymund Train, na naunang napabalitang kabilang sa mga makatatanggap ng pagkilala at gantimpala.

Naniniwala si Pagdilao na ang pagpapatagal sa award at pagsasampa ng kaso  ay katumbas ng pagpapalabnaw sa halaga ng Medal of Valor.

Ngunit, ang lahat ng kilos-pagong ng gobyerno para sa SAF 44 ay pagkakait ng pagkilala at pagpapasalamat  sa hindi matatawarang kabayanihan ng mga napaslang maging ng mga sumama sa labanan.

Buti na lamang at mayroong mga pagkilos sa pribadong sektor na naglalayong bigyang-pugay ang magigiting na miyembro ng unipormadong hanay. Isa na rito ang Country’s Outstanding Policemen in Service (COPS) Award, na pinangunahan ng Rotary Club of New Manila East, sa ilalim ng liderato ni Pagdilao, katuwang ang Metrobank Foundation.

Ngayong taon, kasama sa COPS awardees si PO2 Adolfo Andrada, na kasama sa SAF. Ang parangal ay pagkilala sa dedikasyon hindi lamang sa serbisyo kundi maging ang paghihikayat ng COPS awardees sa mga miyembro ng komunidad para makiisa at makilahok sa pagkilos kontra krimen.

Pinatutunayan ng COPS na hindi imposibleng kilalanin ang kontribusyon ng pulisya para sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayaapan sa bayan.

Ang parangal na ito ay nagsisilbing pagkilala hindi lamang kay PO2 Andrade kundi para sa lahat ng SAF sa ipinamalas na dedikasyon sa serbisyo.

Katulad na rin ng isang pagkakataong isang opisyal ng AFP, bagamat hindi ginawaran kaagad ng Medal of Valor, ay nabigyan naman ng pangalawang parangal, ang Distinguished Conduct Star, bukod pa posibilidad na paggawad ng Medal of Valor sa ibang okasyon.

Binanggit ni Pagdilao, panahon na upang ilatag ang makinarya para magkaroon ng katumbas sa PNP ang RA 9049, na nagsasaad ng karampatang proseso, benepisyo, at iba pang alituntunin ukol sa paggawad ng Medal of Valor sa mga sundalo.

Kasama rin si Pagdilao sa grupong nagsusulong ng PNP Modernization and Reorganization Bill sa Kamara, bilang Chairman ng Technical Working Group o ng Sub-Committee, at bilang Vice-Chairman ng House Committee on Public Order and Safety.

Malapit sa puso ni Sir Tsip ang SAF 44, bilang isa sa mga nagtatag at naging ama ng tinaguriang “elite unit” ng PNP.

Bunsod rin ng kalunos-lunos na sinapit ng SAF sa kamay ng mga rebelde, ay nag-organisa siya ng fundraising activities para sa mga naiwan nilang pamilya.

Patuloy pa rin ang panawagan ni Pagdilao para sa hustisya sa SAF 44.

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *