Thursday , February 5 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dalagita tinurbo ng 3 kelot sa harap ng BF

BUTUAN CITY – Tinutugis ng mga tauhan ng Butuan City Police Station 1 (BCPS-1) ang dalawa sa tatlong lalaking tumakas makaraan halinhinang gahasain ang isang dalagita sa harapan ng kanyang kasintahan sa Butuan By The River.

Unang nadakip ang isa sa mga suspek base na rin sa kompirmasyon ng 17-anyos biktima na itinago sa pangalang “Inday” nang makita ang suspek na suot-suot ang kanyang tsinelas.

Kinilala ni Senior Insp. Nefre Acaso, station commander ng nasabing tanggapan, ang nahuli na si Rey Eda, 28, residente ng Purok Sari-Sari sa Brgy. Golden Ribbon sa lungsod.

Kinilala ang isa pang suspek na si Aranghel Vilan, 30, at residente ng Balbarino Subdivision.

Hindi umamin ang nahuling suspek na kasama siya sa gumahasa sa biktima sa dahilang naawa aniya siya ngunit iginiit ni “Inday” na kasama siya sa mga umabuso sa dalagita.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw

Check Also

dead gun

Trike driver binoga sa batok tigok ‘pintor’ arestado

ISANG tricycle driver ang bumagsak at agad na namatay nang barilin sa batok ng isang …

Gang leader, 1 pa arestado sa Ops Lansag

Gang leader, 1 pa arestado sa Ops Lansag          

CAMP VICENTE LIM – Naaresto ang dalawang tinukoy na ‘gunrunner’ kabilang ang isang wanted person …

Valenzuela

College scholarship sa Valenzuela bukas na para sa pagtanggap

SINIMULAN ng Valenzuela local government unit (LGU) ang pagtanggap ng mga iskolar para sa Dr. …

Arrest Shabu

Sa Caloocan City
Bebot na ‘tulak’ swak sa buybust ng parak

NALAMBAT ng Caloocan City Police ang isang babae na sinabing sangkot sa pagtutulak ng ilegal …

Casino Plus Angpao Rain Gala

Casino Plus, the Best Online Casino in the Philippines, Staged the First-of-its-Kind Angpao Rain Gala, Awarding a Record-Setting P180 Million to Recognize 600 Top Filipino Video Content Creators

IN a groundbreaking first, Casino Plus, the best online casino in the Philippines, awarded a …