Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dorobo ng aircon bus tiklo sa Bulacan

ARESTADO sa pulisya ang isang notoryus na holdaper na nambibiktima sa mga pasahero ng bus na biyaheng bayan ng Sta. Maria, Bulacan.

Sa ulat na nakalap sa tanggapan ni Supt. Rodolfo ‘Boy’ Hernandez, hepe ng Sta. Maria Police, kinilala ang suspek na si Leonardo Hinay, nasa hustong gulang, at walang pirmihang tirahan.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong 2 p.m. kamakalawa habang ang isang Mersan Bus na biyaheng Sta. Cruz, Maynila ay naghihintay ng pasahero sa bus stop sa Brgy.Sta. Clara, harap ng Walter Mart, biglang sumakay ang suspek na si Hinay na may hawak na tubo.

Walang sabi-sabi na biglang hinataw ng tubo ni Hinay ang biktimang hindi na pinangalanan, nang tatlong beses sa ulo at inagaw ang shoulder bag.   

Nang makuha ang shoulder bag ng biktimang nawalan ng malay, nagmamadaling bumaba sa bus si Hinay ngunit ilang testigo ang agad lumapit sa traffic enforcers at ini-report ang insidente.

Mabilis na nag-radyo ang traffic enforcers sa himpilan ng pulisya na agad nagresponde at nadakip ang suspek na hindi pa nakalalayo sa lugar.

Kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang biktima habang ang suspek na si Hinay na ikinulong sa municipal jail ay sinampahan ng kasong robbery with physical injury sa Office of Provincial Prosecutor’s Office sa Malolos City.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …