Katatapos lang ng Wansapanataym nila ni Coco Martinna Yamishitas Treasure ay heto at may sarili na siyang serye, ang Doble Kara na ayon mismo sa aktres ay nahirapan siya nang husto dahil dalawang karakter ang ginagampanan niya.
“Medyo tinutukan po namin ‘yun sa workshop talaga, naglaan po kami ng oras doon. Gumawa po kami ng mga character na differences like ano ‘yung isa and ano ‘yung isa, ano ‘yung pagkakapareho nila, paano sila mag-isip, paano sila kumilos, binuo po namin talaga sa workshop para po pagdating sa taping, kapado na namin kasi medyo mahirap nga po dahil hindi naman siya ‘yung tipo na isang buong araw, isang character ka lang, talaga pong on and off, on and off, iba-iba po talaga,” kuwento ni Julia sa ginanap na presscon ng Doble Kara kahapon.
Dagdag pa, ”Doble ako, dobleng challenge, dobleng kuwento na tututukan, dobleng journey na talagang susubaybayan mo.”
Hindi itinanggi ng batang aktres na dream role niya angDoble Kara.
“Everytime na tinatanong nga po ako kung ano ang dream role ko, nahihirapan po akong sumagot. Siguro masasabi ko nga ngayon, ito po siguro ang dream role ko na naibigay po sa akin kaya super-thankful ako.”
At aminadong pressured at masaya siya sa bagong tawag sa kanya ng ABS-CBN na Royal Princess sa ABS-CBN.
“Kasi siyempre, kailangan ko pong ibigay ‘yun, eh. ‘Yung ipinagkatiwalang pangalan po na ‘yun, kailangan ko pong i-give back, so kailangan ko pong patunayan.
“May pressure po talaga, sobra po talaga. ‘Yun nga po, sabi ko nga po, hindi ko ine-expect na magpe-presscon ako rati, ‘yung presscon pa lang na part, hindi ko ine-expect na magpe-presscon ako every show kasi siyempre, rati, na-experience ko lang po, yung ganito (sa role), so wala kaming presscon. Doon pa lang, parang sobrang nao-overwhelm na ako, mabigyan pa po ng title.
“And siyempre, hindi naman porke’t nabigyan po ako (ng title), eh, okay. Dapat po talaga i-prove ko sa kanila,”paliwanag ni Julia.
Posible bang maging Queen siya pagdating ng araw dahil princess na siya ngayon.
“Lahat naman po ng artista ‘yun ang pangarap. Sana po. Sabi ko nga po, gusto ko, ‘pag dumating po ako sa point na tumanda ako, may maiiwan ako sa next generation or sa mas bata po sa akin or ‘yung sa mga susunod pa,” pag-amin ng dalaga.
Hindi naman naiwasang hindi sila ikompara ni Kathryn Bernardo na Teen Queen naman ng ABS-CBN.
“Of course, Kathryn is Kathryn po talaga and I’m happy po kung ano na po si Kathryn ngayon—Teen Queen, di ba? And happy din po ako na parang sabi ko nga po, from ‘Mara Clara’, hindi ko rin naman po ine-expect po na mabibigyan ako ng ibang role, na puwede po palang hindi ako maging kontrabida lang forever.
“Doon pa lang po, super-thankful po ako at sa lahat po ng naibibigay sa akin, more than 4 or 3 soaps na pinagkatiwaalan po ako, ‘yun pa lang po talaga, sobrang suwerte ko na,” paliwanag ng aktres.
Anyway, makakasama ni Julia sa Doble Kara sina Carmina Villaroel, Ariel Rivera, Mylene Dizon, Gloria Sevilla, John Lapus, at Allen Dizon mula sa direksiyon nina Jon Villarin at Manny Palo mula sa Dreamscape Entertainment.
FACT SHEET – Reggee Bonoan