CA Justice Tijam pinagbibitiw sa kaso ni Reghis
Almar Danguilan
August 18, 2015
Opinion
COURT OF APPEALS Justice Noel Tijam, pinag-i-inhibit sa kaso ni Reghis Romero II.
Bakit naman? Is there something fishy ba? Wala naman siguro.
Basta’t ang ulat, pinapabitawan ng operator ng Harbour Centre Port Terminal sa Maynila si Tijam sa paghawak sa kaso tungkol sa naturang terminal at kay Romero II.
Bakit nga e? Bakit hindi ba kaya ni Tijam hawakan ang kaso o makapagbigay ng patas na desisyon? Ito nga ba ang dahilan?
Ano pa man, sa inihaing mosyon ni Cyrus Paul Valenzuela, pangulo ng One Source Port Support Services, sa 15th Division ng Court of Appeals noong Agosto 13, hiniling ni Valenzuela kay Justice Tijam na magbitiw sa kasong naka-binbin sa kanyang dibisyon dahil sa pagiging ma-lapit niya kay Romero.
Ang sinasabing kaso ay isinampa ni Romero at ng Harbour Centre Port na pigilan ng 20-araw ang temporary restraining order (TRO) na inisyu ni Pasig Regional Trial Court Judge Rolando Mislang, na paso na ilang buwan na ang nakararaan.
Idiniin ni Valenzuela na sina Tijam at Romero ay matalik na magkaibigan batay sa pabor na desisyon na nakuha ng kompanya ni Romero na R-II Builders, noong Enero 2010 mula kay Tijam sa CA ukol sa kasong isinampa ni Romero laban sa Home Gua-ranty Corp. (HGC) sa Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 24 at 22.
Sa naturang kaso, nagkamali ang R-II Builders nang hindi niya bayaran ang docket fee sa Manila RTC Branch 22 at dahil dito, hiniling ng HGC na maibasura ang kaso.
Ngunit nabigo ang HGC kaya’t nagsampa ng kaso sa CA, sa pamamagitan ng 15th Division ay nag-isyu ng desisyon pabor sa R-II Builders ni Romero.
Si Associate Justice Tijam ang sumulat ng naturang desisyon ng CA.
Dahil dito, nagsampa ng kaso ang HGC sa Supreme Court na ipinawalang-bisa ang desis-yon ng CA noong 2011.
Sinabi ng Supreme Court na walang hurisdiksiyon ang Manila RTC Branch 22 sa kaso dahil hindi nagbayad ang R-II Builders ng docket fee.
Sa kanyang mosyon, sinabi ni Valenzuela na “Dahil sa kontrobersiyal na 2010 desisyon pabor kay Reghis, ang pinakamainam na dapat gawin ni Justice Tijam ay mag-inhibit sa kaso sa umpi-sa pa lamang — ngunit hindi pa niya ito ginagawa.”
“Idinideklara ngayon ng One Source na walang tiwala sa abilidad ni Justice Tijam na magbigay ng patas at tamang desisyon o opinyon sa kaso,” wika ni Valenzuela.
Aniya, ang pagmamatigas ni Tijam na hawakan ang kaso sa kabila ng mosyon na kanyang inihain ay nagbibigay ng hinala sa pagiging bias ni Tijam.