PNoy, Ochoa at De Lima napalusutan ni BI Comm. Fred “green card holder” Mison?!
Jerry Yap
August 17, 2015
Opinion
MATINDI pala talaga ang commissioner ng Bureau of Immigration (BI) ngayon!?
Siya pala ay isa umanong dugong berde ‘este’ GREEN CARD HOLDER.
Ibig sabihin, siya ay isang Immigrant under the laws of United States of the America (USA).
Anak ni Badong, talaga, oo!!!
Mantakin ninyong GREEN CARD HOLDER pala ang anak niyang si FREDO?!
What the fact!?
Nasaan naman ang delicadeza mo diyan, Pido?!
Sana noong ini-appoint ka na ni PNoy sa Immigration, isinuko mo muna sa US Embassy ang iyong pagiging Immigrant.
After ng iyong panunungkulan bilang Immigration Commissioner, ‘e di saka mo balikan?!
Ganoon lang kasimple, ‘di ba?!
‘Yan ‘e kung may delicadeza ka!
Mukhang napalusutan si SOJ Leila de Lima, ES Jojo Ochoa at ang ating Pangulo nang i-appoint si Mison sa Bureau of Immigration, ‘di ba!?
Aba’y, first time sa history ng Philippine Immigration na may isang namumuno na isa palang immigrant?!
Nagbabantay sa ating border patrol, ‘yun pala gusto maging kano?
Pakengsyet!!!
Hindi ba very unethical ‘yan, Atty. Norman Tancinco?
Immigration spokesperson, Atty. Elaine Tan, sino ngayon ang good guy and bad guy diyan sa Bureau?!
Pakitanong mo na nga sa ‘bossing’ mo!
Solaire Resort & Casino humina dahil sa overacting na security force
ILANG mga kaibigan ang nakahuntahan natin nitong nakaraang weekend.
Isa sa mga matagal na napaghuntahan ang nakapanghihinayang na kondisyon ngayon ng Solaire Resort & Casino na pag-aari ng negosyanteng si Enrique Razon.
Ayon sa ating mga nakahuntahan, hindi na raw nakikita ngayon ang ‘bigtime’ Solaire goers at mas marami pa raw ngayon ang nakatambay na jugings at gunners.
Ang jugings po sa hotel & casino parlance ay ‘yung mga tumatambay sa casino, jejekjek sa mga nanalo saka itataya sa slot machines.
‘Yung ibang juging, ewan natin kung ano ang ginagawa nila kapag hindi nakakajekjek. Tumatambay daw sila sa casino para makakuha ng pamalengke.
‘Yun namang mga gunner ay iyong naglalaro na pera ng player ang gamit.
In short, naghahanapbuhay sa casino ni Razon ang lakad na kakutsaba ang ilang security?!
Ganyan daw ngayon ang mga tumatambay sa Solaire.
Aba ‘e malaki ang investment na inilaan diyan ni Razon, tapos e magwawakas lang sa mga juging?!
Isa sa mga inirereklamo ng mga casino goers diyan sa Solaire ang overacting o sobrang angas na security force.
Lalo na raw ‘yung isang alyas Doberman na si alias Beni Ulikba na kung makapanita ‘e daig pa ang may-ari.
Hindi yata alam ng security force ni Mr. Razon diyan sa Solaire, na kaya nagpupunta ang mga tao sa entertainment and leisure establishments ‘e para magpagpag ng stress hindi para ma-subject for interrogation.
Ano ba akala ng security force sa Solaire, military barracks o police headquarters ang negosyo ng amo nila?!
Kung hindi aarestohin ni Mr. Razon ang konsepto at attitude ng kanyang security force, malamang mauwi sa wala ang malaking investment na ibinuhos niya diyan.
By the way, totoo ba na isa sa opisyal ng security force ng Solaire ay nasangkot noon sa kidnapping at murder!?
Ngek!!!
May panahon pa si-guro, para makabawi ang income ng casino kung papalitan ang overacting at maangas na security force sa Solaire.
Ano sa tingin ninyo, Mr. Razon?!
Weekend basura sa Maynila
GRABE po talaga ng dumi at baho ng Maynila ngayon. Kahit saan magpunta ay makikita ang tumpok-tumpok at tila hinalukay na basura. Mukhang ‘budget’ lang sa basura ang kinukuha ng mga contractor ng basura pero ang mismong basura iniiwan lang nila kung saan-saan. Kahit anong oras mapadaan sa Maynila, umaga o gabi, mabantot talaga. +63999412 – – – –
Nakapagtatakang traffic sa Quiapo tuwing biyernes
MADALAS po akong nadadaan sa Quiapo lalo na kung araw ng Biyernes. Ang traffic ay mag-uumpisa sa Lerma hanggang sa Quezon Bridge. Pero kapag tinitingnan ko, wala naman rason para ma-traffic. Ang nakikita ko, pagdating sa paa ng Quezon Bridge nag-iisa ang traffic enforcer na hind ko alam kung ano ang ginagawa. Pagkatapos pagdating sa city hall naroon ang sandamakmak na traffic enforcer na nagpapaligsahan kung sino ang unang makakakita ng huhulihin. Hindi ba ang trabaho nila dapat ayusin at traffic? E ang ginagawa lang mag-abang ng magkakamaling driver para hulihin. Pakitago po ng number ko. – Concerned Commuter
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com