NALUNGKOT din naman si Richard Gomez nang hindi nakuha ng Pilipinas ang karangalan na maging host ng FIBA World Basketball Championships sa 2019. Tinalo na naman tayo ng China. Mahirap namang kalaban ang China, dahil alam naman natin, kung Olympics nga nakaya nila eh. Tayo hanggang SEAGames lang. Walang pera ang gobyerno natin para tustusan ang hosting ng ganyan kalaking event. Laban nga lang sa Spratleys wala tayong magawa sa China, lalaban ka pa sa FIBA?
Anyway nalungkot si Goma, dahil kahit na nga sabihin nating iyang basketball ang sports na hindi siya nakasama sa isang national team, nilalaro rin iyan ni Goma and in fairness magaling din naman siyang basketball player. Kung natuloy dito iyang FIBA, tiyak wala munang tapings si Goma. Baka araw-araw nanonood iyan ng mga laro.
Pero sabi nga ni Goma, baka ok na rin naman ang nangyari dahil baka hindi naman tayo maging ready sa ganoon kalaking event, kahit na sabihin pang ang big businessman na si Manny Pangilinan ang siyang nanguna sa kampanya para sa Pilipinas.
HATAWAN – Ed de Leon