Halos pareho raw kasi ang kuwento ng KathNiel serye at JaDine na magkaaway sa umpisa at naging okay naman sa bandang gitna at magkakagustuhan sa katagalan.
Kanya-kanyang post sa social media ang fans ng dalawang love team para mag-trending at siyempre ayaw magpatalo ang bawat isang balwarte.
Nakatatawa lang dahil hindi dapat pinag-aaway ang KathNiel at JaDine loveteam dahil nasa iisang network sila, ang dapat nilang harapin ay ang mga katapat nilang programa sa ibang network dahil iyon ang kalaban.
Anyway, nagbubunyi sa tuwa’t saya ang JaDine team dahil nakamit nila sa pilot episode ng On The Wings of Love, ang rating na 22.1% kompara sa katapat nitong My Faithful Husband na 12.7% lang base sa datos mula sa Kantar Media.
Maging sa ibang bahagi ng bansa kabilang ang urban areas ay panalo rin sa TV rating na 23.4% kompara sa 15.3% na katapat, at sa rural areas na nakakuha ng 20.4% kontra sa 9.2% ng kalaban.
Nakakuha naman ang On the Wings of Love ng 22.5% sa Mega Manila laban sa 19.6% ng programa ng GMA, at 24.4% naman sa Metro Manila kompara sa 15% ng katapat.
Nakatataba ng puso ang magandang balitang ito bukod pa sa mga positibong tweet ng netizens sa microblogging site na Twitter na naging worldwide trending topic ang official hashtag ng programa na #OTWOLArrival.
Abangan ang episode na pilit na pinagtatagpo ng tadhana sina Clark (James) at Leah (Nadine) sa San Francisco at kung paano magbabago ang takbo ng buhay nila sa Amerika sa oras na gumawa sila ng kasunduan na makatutulong sa problema ng isa’t isa?
Para sa karagdagang impormasyon kaugnay ng programa, bisitahin lamang ang official social networking site ng Dreamscape Entertainment Television sa Facebook.com/DreamscapePH, Twitter.com/DreamscapePH, at Instagram.com/DreamscapePH.
FACT SHEET – Reggee Bonoan