Friday , November 15 2024

Drug groups, ‘di ubra kay Gen. Tinio sa QC!

00 aksyon almarHINDI pa man umiinit sa kanyang kinauupuan si Chief Supt. Eduardo G. Tinio, bagong upong Director ng Quezon City Police District (QCPD), aba’y agad niyang  ipinaramdam sa mga masasamang elemento na kumikilos sa lungsod na seryoso siya sa pakikipaglaban sa anumang klaseng sindikato partikular na sa droga.

Tama kayo diyan sir!

Sa pamamagitan ng kanyang bagong itinalagang hepe ng District Anti-Illegal Drugs (DAID) na si Chief Insp. Enrico Figueroa, sapol agad sa bitag ng DAID ang isang malakihang bentahan ng shabu sa lungsod na pinaniniwalaan ni Gen. Tinio at ni Maj. Figueroa na isang malaking sindikato ang nasa likod.

Pero para kay heneral, higanteng sindikato man ang kanilang binangga, ito ay hindi magiging hadlang sa kampanya ng QCPD laban sa ilegal na droga.

‘Ika nga rin ni Maj. Figuero, kahit may kapit pang maimpluwensiya ng mga sindikato, ito ay kanilang babanggain bilang bahagi ng kanilang trabaho at sinumpaang tungkulin.

Sa ikinasang drug buy bust operation ni Figueroa batay na rin sa direktiba ni Gen. Tinio matapos makatanggap ng impormasyon hinggil sa drug dealing ng isang grupo sa QC, nagresulta sa pagkaaresto ng tatlong bigtime drug dealer na kumikilos hindi lamang sa lungsod kundi sa buong Metro Manila at karatig na lalawigan.

Katunayan, hindi lang pipitsugin grupo ang pinaniniwalaang kinabibilangan ng tatlong naaresto kundi kasapi sila sa isang bigtime drug syndicate dahil sa halaga ng shabu na nakompiska sa kanila – P1.5 milyon o mahigit sa isang kilong high grade shabu.

Ang galing talaga ng QCPD este, ng mga pinauupong DD dito. Hindi na tayo magtataka kung bakit nakuha uli ng QCPD ang best police district sa National Capital Region.

Yes, pinarangalan uli nitong Lunes ang QCPD bilang 2014 best police district dahil sa malalaking accomplishments lalo na sa kampanya laban sa droga noong panahon nina dating QCPD Directors, Chief Supt. Richard Albano, ngayo’y Region 4A police regional director, at Chief Supt. Joel Pagdilao na ngayon ay director ng National Capital Regional Police Office.

Ngayon si Gen. Tinio na ang nakaupo, aba’y hindi naman sa nakikipagkompetensya ang mama sa nakaraang admin ng QCPD kundi batid ko na sisikapin niyang gawin ang lahat para sa mamamayan at PNP.

Kaya sir Tinio, at sir Figueroa, sampu ng inyong mga tauhan sa DAID, saludo ang bayan sa inyo.

General, hindi ka nagkamali sa pagpili kay Maj. Figueroa.

Operation “dagdag intel” ng QCPD PS 4 o ano?

Nakabibilib na sana ang  QCPD Novaliches PS4. Bakit? Inumpisahan na kasi nilang linisin ang mga vices (salot) sa kanilang area of responsibility.

Lamang, ang operasyon ay lumalabas lang na ‘drawing’ dahil sa isang kumag na pulis. Teka, baka naman pulos arkitekto ang mga pulis sa Nova? Baka nga ano. Hehehe.

Ang nangyari sa Novaliches, matapos nilang salakayin ang mga vices, isang pulis Nova ang sikretong (lantad) nakikipagnegosasyon sa operators ng vices.

Ipinatataas ng pulis ang dating  linggohang intel para sa kuwatro. Ops, teka baka naman walang kinalaman ang kuwatro rito at sa halip ay pangsarili lang  ng nasabing pulis ang ‘increase?’

Puwede rin.

E, sino ba iyong pulis? Ang ranggo ng… ay PO-PO lang naman, kumbaga Police Officer. Maaaring PO1, PO2 o POLICE OFFICER 3.

Hindi muna natin babanggitin ang kumag at sa halip, sa susunod ay ibubuko na natin siya.

Pero in fairness, Nova police station chief, Supt. Baldeo, dahil malamang na ang kanyang direktiba (lang) ay linisin ang vices sa kanyang area of responsibility at walang kautusang makipagnegosasyon sa operators.

Tama ako ‘di ba Kernel?

Actually, hindi ko kilala si Baldeo pero may ilang opisyal ng QCPD ang nakapagsabing magaling at matinong opisyal si Kernel kaya, malamang walang kinalaman sa kalokohan ng isa niyang pulis. Naniniwala naman tayo riyan.

Kaya, kalusin mo na ang kalokohan ng isa mong ungas na POLICE OFFICER. Nagpapakilala siyang (si police officer) na  kolektor daw siya para sa lingguhan intel ng kuwatro. Ha! Intel para sa kuwatro. Alam ko’y hindi pumapatol ng intel si Kernel at sa halip ang kanyang pinapatulan lang ay info/intelligence report.

‘Di ba Hepe?

Actually nakarating na kay Gen. ang info hinggil sa POLICE OFFICER, at aniya’y kanyang aaksiyonan agad ito.

Iyan si General, aksyon agad!

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *