Thursday , December 26 2024

Bakit tahimik ang PNP R4-A sa Fajardo ambush-slay?

CRIME BUSTER LOGOFIFTY days na ang nakalilipas simula nang tambangan at mapatay sa ambush ang dating umano’y leader ng KFR group na si Rolly Fajardo sa isang kalsada sa Calamba City, Laguna noong June 24, 2015.

Nang tambangan si Fajardo sa Bagung-Bagong Calsada sa Calamba City, parang naka-set up ang pangyayari.

Nakasakay noon si Fajardo sa kanyang kulay puting kotseng Audi nang ang kanyang sasakyan ay paulanan ng mga bala habang binabagtas ang Bagung-Bagong Calsada. Naganap ang ambush sa nasabing lugar 1915HOUR.  Mula sa Los Baños City, Laguna, si Fajardo ay patungo noon sa bayan ng Calamba.

Ang mga suspects na nagsagawa ng ambush ay armado ng matataas na kalibre ng baril.

Ang tsismis sa area ng Quezon City, ang naganap na pagliligpit kay Fajardo ay maaaring may kinalaman o kaugnayan sa kasong ‘hulidap’ na kamakailan ay naganap sa EDSA. Ang kasong ‘hulidap’ ay nabuko.

He, he, he! Hindi na muna natin babanggitin kung bakit ganoon kabangis ang mga umambus sa kaibigan ng isang elected-incumbent city councilor sa Pasay.

Ewan lang kung may katotohanan na ang tatlo sa mga suspect sa ‘hulidap case’ ay sumama sa kanilang bossing sa Region 4-A?

Naku po! Baka magkaroon ng change of command? Abangan!

Top of the line si Mayor Fresnedi sa Muntinlupa

NAGBABALAK na naman daw makilahok sa mayoralty race sa Muntinlupa City sa darating na 2016 presidential at local elections ang anak ni Mang Tomas na si Aldrin San Pedro.

Kung totoong nagbabalak na muling kumandidato si Aldrin, malamang mas angat sa kanya ang incumbent mayor ng Muntinlupa na si Atty. Jaime “JRF” Fresnedi.

Angat si Fresnedi dahil naging epektibo at mas lalong pinakikinabangan ng maraming mamamayan sa Muntinlupa ang mga proyektong naisakatuparan na ng alkalde simula nang siya ay mag-return back sa bayan kong sinilangan noong year 2010.

Hanggang sa kasalukuyan ay patuloy ang pagpapagawa ni Fresnedi ng school buildings o paaralan na magagamit ng mga estudyante mula sa elementarya, high school at sa kolehiyo. Iyan ang mga susunod na henerasyon.

Hindi rin maikakaila ang mga pagbabagong naganap sa loob ng Ospital Ng Muntinlupa na kilala sa bansag na “OSMUN.” Mga makabagong medical equipments ang kaagad na tinugunan ni Fresnedi na ngayon ay nagagamit na ng mga mga nagpapagamot at may karamdaman sa kalusugan.

Nasaksihan ko ang malaking pagbabago sa loob ng OSMUN nang minsang mapagawi sa nasabing government hospital.

Hindi ko na i-elaborate kung ano-ano pa ang mga proyektong naisagawa at naisakatuparan na ni JRF sa Munti. Saksi naman riyan si Muntinlupa City Congressman Rodolfo “Pong” Biazon at ang konseho ng Sangguniang Panglungsod ng Muntinlupa.

Si Aldrin na noon ay incumbent city mayor sa Muntinlupa ay tinalo sa local election ni Fresnedi.

Sa sususnod na ang karugtong!

Tameme ang opposition sa Pasay

TAMEME raw ngayon ang grupo ng opposition sa Pasay City.

Nalilito na raw ang iba sa kanila dahil wala silang masamahan o masakyan na matatag na partido political sa lungsod ng Pasay. Kaya ang ilan sa kanila ay nagsisisi kung bakit kumalas sila sa grupo ni incumbent Pasay City Mayor Antonino “Tony” Calixto.

Iyan ang napapala ng ilang politikong ‘butterfly.’ Sa isang munisipalidad ang halal na alkalde ang laging nilalapitan o kinakausap ng isang local o foreign investors o capitalista. Alam kasi nila ang mayor ang may overall say o mandato de baton.

Tama po ba ako Kuya Ding Santos?

Si Kuya Ding “Taruc” Santos, sure ball na ang pagkandidatong konsehal sa 1st district ng Pasay. Kasama siya sa lineup ng Calixto Team sa 2016 elections.

PINALAYAS NA, IBINALIK PA!!!

MADALAS daw magkalat ng lagim sa lalawigan ng Bulacan ang perya-color games financier na si Lourdes. alias “Tomboy.”

Sa bayan ng Balagtas, Bulacan at sa Barangay Tugatog, Meycauayan, Bulacan ay muli raw ibinalik, itinayo ni Lourdes ang kanyang peryahan na may halong mesa ng sugalan. Nakatimbre raw siya sa Bulacan PNP.

Vices sa Pampanga

SA lalawigan ng Pampanga ay nagkalat ang mga peryahan na may halong sugal na color games, beto-beto, dropballs at iba pang uri ng devil na sugal.

Ang mga pergalan sa Pampanga ay mini-maintain nina Nardo Putik, Rading ng Arayat, Lowi Lopez, Jun Bicol at Boy Lim. Pampanga provincial police director P/Supt. Rodolfo Recomono, legal na ba ang 1602 sa Pampanga?

About Mario Alcala

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *