Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

13-anyos dalagita binuntis ng half brother

“SI Kuya po ang ama ng batang ito na aking isisilang”

Ito ang tinuran ng isang 13-anyos dalagita makaraan paulit-ulit na halayin ng kanyang kuya na kapatid niya sa ama sa Brgy. San Roque, bayan ng San Rafael, lalawigan ng Bulacan. 

Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek na si Gerald Lauta de Claro, 25, delivery boy, habang ang biktimang apat na buwan nang buntis ay itinago sa pangalang Michelle, kapwa ng nabanggit na lugar.

Ayon sa ulat na isinumite sa tanggapan ni Supt. Ranier Valones, hepe ng San Rafael PNP, nagsimula ang pang-aaabuso sa biktima noong Abril hanggang Hunyo ng taong kasalukuyan habang ang biktima ay nag-iisa sa kanilang bahay. 

Sapilitang dinadala ng suspek ang kanyang kapatid sa isang silid ng kanilang bahay at doon hinahalay.

Sinasabing hindi magawang makapagsumbong ng biktima dahil sa banta ng suspek na papatayin siya pati ang kanyang ina.

Ngunit sa huling pagtatangka ng suspek na halaying muli ang kanyang kapatid ay pumalag ang biktima at nagsumbong sa kanyang ina.

Mabilis na humingi ng tulong sa pulisya ang ginang na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

Daisy Medina/Micka Bautista

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …