Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ratings ng Ningning, ‘di raw apektado sa #AlDub fever

081215 aldub ningning

00 fact sheet reggeeHINDI naman pala bumaba ang ratings ng Ningning ni Jana Agoncillo dahil napanatili nila ang ratings na 19% laban sa katapat nilang programa ni Aleng Maliit (Ryzza Mae Dizon) sa GMA 7.

May mga nagsabi raw kasing talo na sa ratings game ang Ningning dahil sa Yaya Dub, “hindi naman po magkatapat ang ‘Eat Bulaga’ at ‘Ningning’,” kaswal na sabi sa amin ng taga-ABS-CBN.

Oo naman, ang alam naming katapat ni Yaya Dub ay ang It’s Showtime na according din sa taga-Dos ay, “hindi naman natalo ng #Aldub na ‘yan ang Showtime kasi sa nationwide ratings ng Kantar Media last Saturday (Agosto 8) ay 27% kompara sa EB na 21% lang.”

Katwiran naming, magkaiba kasi ng kinukuhanang ratings ang ABS-CBN at GMA 7.

“Yes, magkaiba, pero all the big companies all over the Philippines, they go for Kantar Media at mas malawak talaga at walang isyu,” mabilis na paliwanag sa amin.

At inamin din na maliban sa ABS-CBN ay AGB Nielsen ang pinagkukunang ratings ng halos lahat ng TV network kasama na ang radio stations at iba pang pahayagan.

Okay fine!

Going back to Ningning, naniniwala kaming malakas nga si Jana na isinama pa si Mac Mac, ang batang makulit dahil bukambibig ng mga bata ngayon ito bago pumasok sa kanilang panghapong klase. Totoo nga ang sabi ng lahat na ‘pag may bata sa serye, tiyak na nagki-click.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …