Monday , September 9 2024

Puso namin ni Mar, nasa mga Beki — Korina

081215 keribeks mar roxas korina

00 SHOWBIZ ms m“OUT and proud,” wika ni broadcast journalist Korina Sanchez-Roxas sa kanyang adbokasiyang isulong ang pantay na karapatan para sa LGBTQ Community.

“Maaaring biglaan ito para sa ilan. Ngunit para sa mga taong kilala ako, alam nila ang puso ko para sa mga Beki (popular na tawagan ngayon ng mga lalaking gay), matagal ko na silang mahal at tinutulungan. All my career I’ve been surrounded by bekis,” ani Korina sa isang panayam matapos ang KeriBeks event kamakailan sa Araneta Coliseum.

Ang KeriBeks ay isang national gay congress na naglalayong patatagin ang mga Pinoy gay men sa pamamagitan ng mga programang pangkabuhayan, trabaho, edukasyon, at impormasyon para sa kanilang kalusugan. Ipinagdiwang din ng event ang ‘di mabilang na mga kontribusyon ng mga gay men sa kani-kanilang mga pamilya at lipunan at kultura ng Pilipinas.

“Idea ng ilan sa aking mga kaibigang gays mula sa entertainment industry ang ‘KeriBeks’. Nilapitan nila ako sa ideang ito at na-in love ako agad sa konsepto. I’ve always wanted to help bekis in a bigger way. Umpisa pa lamang ang event na ito sapagkat marami pa kaming iniisip na mga proyekto na makatutulong sa pag-empower sa LGBTQ Community laban sa ilang uri ng diskriminasyon sa larangan ng employment, edukasyon, oportunidad, at kalusugan,” sambit ni Korina.

Late last year ipinanganak ang KeriBeks at halos 10 buwan ang ginugol upang planuhin ito.

Ayon kay Korina, sinabi lamang niya sa kanyang mister na si Mar Roxas kung ano ang ginagawa niya isang buwan bago maganap ang event. “Hindi ako tiyak kung ano ang iisipin n’ya, kaya sobra akong natuwa noong sinabi niya na maganda ang ginagawa namin at suportado niya ito.

“Tatlumpung taon na ako sa aking trabaho at lagi kong katabi ang mga beki. Kasama ko sila sa bawat hakbang ng pagbuo ng isang show at sa lahat ng bahagi ng trabaho. Ganoon din, katabi ko sila sa lungkot at ligaya sa aking personal na buhay. Tinanggap nila kung sino at ano ako gaya ng pagtanggap ko sa kanila. Malapit talaga sila sa akin. Alam ko ang mga pinagdaraanan nila. Para sa akin, sila’y mga ‘di nakikilalang bayani—sinusuportahan nila ang kanilang mga pamilya, pinag-aaral nila ang kanilang mga pamangkin, and they still manage to be fabulous,” dagdag pa ni Korina.

Star-studded ang production numbers ng KeriBeks at may mga inspirational messages pa mula sa ilan sa mga pinaka-respetadong gay icons at leaders ng bansa. Jam-packed din ang coliseum na may iba’t ibang booth na nag-offer ng mga trabaho para sa mga delegado at impormasyon kung paano planuhin ang kanilang pera, at kung paano sila mananatiling malusog at mas tiyak ang kanilang kinabukasan.

Sina Arnell Ignacio, Chokoleit, at Rufa Mae Quinto ang host ng main event at ilan sa mga highlight ng gabi ay isang sorpresa at rare performance ng Diamond Star na si Maricel Soriano; isang appearance ng international online sensation na si Maria Sofia Love; isang high-energy medley mula kina Anne Curtis; Martin Nievera na hinarana ang mga transgender beauty queen; at isang moving rendition ng mga awitin tungkol sa empowerment mula kay Vice Ganda na tinapos ang gabi sa isang powerful speech na humikayat sa mga beki na mahalin ang kanilang mga sarili at tiyaking maririnig ang kanilang mga boses.

Ang iba pang mga artistang sumuporta sa event ay sina Carla Abellana, Tom Rodriguez, Elmo Magalona, Megan Young, JayR, at Kris Lawrence. Ang mga komedyanteng kumiliti sa mga delegado ay sina KitKat, Negi, at Lassy. Ang mga power singers na sina Dulce, Donita Nose, KZ Tandingan, Frenchie Dy, Klarisse de Guzman, Leah Patricio, Anton Diva, Gerphil Flores, at Mis Tres ay bimirit sa coliseum. Umawit naman ng love songs sina Bradley Holmes, Jason Fernandez, Daryll Ong, at Jason Dy. Binuksan ng El Gamma Penumbra at Buganda ang show kasama ang mga lokal na transgender beauty queens mula sa iba’t ibang panig ng Luzon. Naroon din ang Masculados Dos, Tondo Machos, at Zeus Collins. Nagbigay naman ng inspirational talks tungkol sa gay empowerment sina Bemz Bendito, Danton Remoto, at Rica Paras ng Ang Ladlad. Nagsalita rin ang negosyanteng si Joel Cruz at ang fashion designer na si Renee Salud. Dumalo rin ang co-authors ng Anti-Discrimination Bill na sina Congresswoman Leni Robredo at Congresswoman Kaka Bag-ao kasama ang Quezon City Vice Mayor na si Joy Belmonte at iba pang mga congressmen.

“It all boils down to love and acceptance. Gays are an integral and important part of society and our country. And the event was really intended to honor them,” sabi pa ni Korina.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Mariah Carey

Mariah Carey binati ang mga Pinoy ng Maligayang Pasko

HATAWANni Ed de Leon NAKATUTUWA naman ang singer na si Mariah Carey na nagpaabot ng maagang pagbati …

Anne Curtis Erwan Heusaff

Anne at Erwan enjoy sa bakasyon sa SG, ‘di totoong hiwalay 

HATAWANni Ed de Leon HABANG panay ang tsismis ng mga marites at pagkakalat ng fake …

Athena Red

Athena Red, palaban sa GL na pelikula at role na kabit

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG VIVAMAX sexy actress na si Athena Red ang klase ng hot …

Mark Lapid Lito Lapid Tanya Garcia Marissa Lapid

Mark Lapid nagtapos ng Doctorate degree sa Business Administration

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio ABALA man sa kanyang tungkulin bilang  Chief Operating Officer ng Tourism Infrastructure …

Pilya Uhaw Vivamax

Ataska hanga sa mga taong lumalaban sa mga nang-aabuso

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio HINDI namin napilit magbigay ng saloobin ang Vivamax star na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *