Friday , November 15 2024

Magsasaka nangangailangan ng tulong

081115 agri farm

ANG mga Filipino ay dapat na maghanap nang higit na maaasahang agri-business ventures sa harap ng napi-pintong krisis sa pagkain sa mundo bunsod nang tumataas na food prices, nabatid sa nailathalang ulat ayon sa noted Filipino economist.

Ang sanhi nito ay global climate change na nagdudulot nang matinding pagkasira at pagkawasak ng kalikasan.

Ang Filipinas, natural na agricultural country, ayon kay Gonzalo Catan, Jr., executive president ng MAPECON Green Charcoal Philippines, Inc. ay dapat na maghanda sa posibleng magaganap dulot ng climate change.

Isinisi ng mga Filipino ang nasabing phenomenon sa masamang panahon. Gayondin sa hindi magandang polisiya ng gobyerno na pinatindi nang kapabayaan sa kalagayan ng mga magsasaka.

Ang masamang panahon ay heaven-made. Habang ang bad government ay mas tinatangkilik ang fo-reign agri-products, partikular na sa panahong ang bansa ay nalulugi nang bil-yong-bilyong piso kada buwan dahil sa economic sa-boteurs.

Maraming mga magsasaka ang nasa alanga-ning sitwasyon, aniya, nag-iisip kung paano nila malalagpasan ang malawakang smuggling bunsod ng kapabayaan ng gobyerno.

Ang mga factor na ito, ayon kay Catan, ang tumataboy sa mga magsasaka palayo mula sa mga bukirin. Ang matindi pa rito, pinipigilan nila ang kanilang mga anak na kumuha ng kurso sa agrikultura, at hinihikayat na kumuha ng ibang mga kurso na magbibigay sa kanila ng white collar jobs o overseas work. Ito ay nagresulta sa matinding pagbaba ng enrollment sa agri-schools.

Ang sitwasyong ito ang naging dahilan upang magpatupad ang pamahalaan ng mga hakbang para mapabalik sila sa mga bukirin. Ang pinakamahalaga, dapat mawala ang pagiging bias ng pamahalaan laban sa agrikultura, ipadama sa mga magsasaka na dapat nilang ipagmalaki na sila ang nagpapakain sa mga tao.

Kung walang mga magsasaka, ang maliliit na taong unti-unting nawawalan ng pag-asa at dignidad, ang bansa ay hahantong sa ma-tinding pagbagsak ng ekonomiya.

“It’s pity, we have vast tracks of agriculture lands but lay unproductive,” malungkot na pahayag ni Catan, idinagdag na “it is about time the government put agriculture at the very center of development before it’s too late.”

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *