MARAMI ang nag-react na netizens sa pagsagot ni Lovi Poe sa mga katanungan ng press tungkol kay Senadora Grace Poe.
Kung si Ms Susan Roces ay tikom ang bibig kapag tinatanong sa napapabalitang pagtakbo ng anak sa pagka-pangulo ng bansa, sinasagot naman ni Lovi ang mga katanungan mula sa press.
Dapat sana raw ay nag-beg off ang aktres dahil hindi naman ito kasama sa kanilang dramaserye ni Heart Evangelista lalo pa’t wala naman ito sa showbiz kundi nasa larangan ng politika.
Dahil dito, nagiging nega lang daw ang imahe ng aktres kapag nagsasalita ito ukol sa kapatid na Senadora.
STARNEWS UPLOAD – Alex Datu