Monday , December 23 2024

Kudos BOC EG & IG!

00 Bulabugin jerry yap jsyCONGRATULATIONS sa masisipag na opisyal at operatiba ng Bureau of Customs (BoC) Enforcement and Intelligence Group sa pangunguna nina Deputy Commissioners Ariel Nepomuceno at Intelligence Group (IG) chief, Jessie Dellosa.

Magkasunod na araw nitong nakaraang linggo nang iharap sa mga mamamahayag ni DepComm. Nepomuceno ang mga nasakoteng 14 luxury cars sa Port of Batangas kasama si Special Assistant to the Deputy Commissioner for Enforcement Group Jervy Maglunod.

Kabilang sa 14 na luxury cars ang 1 unit McLaren 450C, 1 unit Land Rover LR2, 2 units Land Rover Defender 90, 2 units Mercedez Benz C200, 2 units Mercedez Benz GLK350, 1 unit Toyota Prado, 1 unit 2015 Ferrari California, at 4 units Toyota Landcruiser GX.

‘Yang mga sasakyan daw na ‘yan ay mula sa United Arab Emirates, Japan at Hong Kong.

Matagal nang putok na putok ang pangalan ng broker ng mga luxury vehicles na ito na isang alyas Belinda Dela Cruz.

Kaya naman marami ang natutuwa dahil nasampolan na rin ang isa sa mga trabaho-palusot niya.

Naniniwala tayo na sa ilalim ng pamumuno ni DepComm. Nepomuceno at Dellosa, ay magkasunod-sunod na ang pagtimbog sa mga palusot na ‘yan sa BoC.

Nang sumunod na araw naman, muling nakasabat ang mga operatiba ng Bureau of Customs IG ni DepComm. Jessie Dellosa ng 15 forty-footer container na naglalaman naman ng ilegal na kargamentong asukal na tinatayang nagkakahalaga ng P46.5-milyones.

Nakapangalan ang nasabing kargamento sa Blue Chelsea Enterprises. Lahat ‘yan ay mula sa China na nasabat sa Manila International Container Port (MICP).

Again, congratulations, Customs EG chief, DepComm. Nepomuceno and IG chief DepComm. Jessie Dellosa!

Nagkalat na pekeng resibo sa Maynila! (Attention: BIR)

Sandamakmak na reklamo na naman ang ipinarating sa atin, tungkol sa naglipanang pekeng resibo na ibinibigay sa mga motorist, market vendors at street vendors.

Isa na rito ang mga parking ticket na sinisingil ng ilang nakakuha ng kontrata ng mga parking slot sa city hall. Kitang-kita sa mga resibong ito na gawang-Recto o walang BIR authorize to print receipt.  

Ang siste, napakamahal ng singil sa ilang oras na parada. Gaya sa ilang lugar sa Divisoria na P150 sa first two hours?!               

Mas malaki pa ang singil sa mga biyahero ng gulay at prutas na ang kapalit ay pekeng-resibo na puwedeng gawing pamunas ng wetpaks!

May diskarte pa ang ilang berdugong mangingikil ng parking na kung lalampas sa oras ng parada ay hindi na sisingilin at idedeklara, basta maghahati na lang sa sobra!

Sonabagan!!!

Naalala ko tuloy noong administrasyon ni Mayor LIM, kinansela lahat ang sub-con sa parking at lahat ay ipinasok sa koleksiyon ng city hall.

Bakit ngayon ay nabalik na naman sa bulok na sistema?

Iba ang pekeng resibo para raw sa Manila Traffic, iba rin ang pekeng resibo na gamit ng ilang barangay sa paniningil ng parking.

Sa mga palengke ay ganyan rin ang ginagamit, Resibong-Recto pati sa bangketa vendors.

By the way, meron pa rin naniningil para sa Manila Hawkers, ‘e ‘di ba dissolved unit na ‘yan!?

Sabi naman ng isang bata-batuta sa Vice Mayor’s office, sinabihan daw sila na ‘wag makikialam at sumama sa mga ‘lakad’  ng mga tao ni ‘bigote’ sa mga pitsaan gamit ang mga pekeng resibo.

BIR Commissioner Kim Henares, pwede ho bang patingnan at paimbestigahan ninyo ang namamayagpag na pekeng resibo sa Kamaynilaan?

Raket ni bisor ‘Manolo’ sa BI-NAIA

Kung may photo bomber sa Maynila, sa NAIA ay may binansagang ‘immigration bomber’ ang mga baguhang Immigration Officers at ilang Supervisors ng Bureau of Immigration (BI).

Isang bisor ng BI-NAIA, na itinuturing ng isang IO na  ‘tutor’ at ‘mentor’ na siyang nagturo sa kaniya ng mga pasikot-sikot sa pagganap ng official function as immigration authority, ang siya ngayong inirereklamo niya dahil sa umano’y pagiging ‘manolo.’

Mahilig kasi umanong ‘manolo’ ng mga ini-aabot na ‘pitcha’ ng ilang nakikiusap na kinatawan daw ng business group para sa VIP assistance/escort para sa kanilang bisita sa airport.

Manolo nga as in ‘manonolo’ at ‘mambubukol’ ng kuwarta pala ang damuhong bisor!!!

Kaya pala binansagang ‘immigration bomber’ ang beteranong tulisan na bisor na sobrang tagal na ang pamamayagpag sa BI-NAIA. 

Bukod pa rito, pumapapel pa raw na ‘eyes and ears’ kuno ni Immigration Commissioner Siegfred Mison sa BI-NAIA, not knowing na siya pala ang number one namamasahero at escort boy sa NAIA!

Sonabagan!

‘Finger boy’ o ‘boy turo’ pala siya ni Commissioner Mison, dahil siya ang ‘taganguso’ kung sino ang ‘itatapon’ na IO na ‘rebel’ o nagsasalita nang laban kay Mison.

Bwakanabits!

Malatuba raw talaga si Bisor ‘Manolo’ kahit itanong pa ninyo kay BISOR RICO PEDREALBA!!!

Pabor sa paglilimita ng PSG sa access ng media sa SONA

GOOD pm sa HATAW, my opinion lang aku duon sa PSG personal duon sa SONA ni Pnoy na nanita sa media, tama ang ginawa ni PO3 Ramos dahil ang media my designated area lng. hndi pwed khit saan mag-interview at sinunod lang ni Ramos ang order sa kanyang superior. From Ricky B. #+6390811287 – –

Iginagalang po namin ang opinion ninyo, Mr. Ricky B. Karapatan po ninyo ‘yan. Pero kailangan din po namin tutulan ang ganyang uri ng pangha-haraas dahil darating ang panahon na uulit-ulitin nila ‘yan kapag hindi namin tinutulan. Maraming salamat po sa inyong pagtangkilik at pagtitiwala.

Huwag hayaan makabalik ang mga magnanakaw sa gobyerno

ITO talaga naging pigura nitong lipunan natin nawasak at patuloy na winawasak ng mga ganid at walanghiya at mga adiktus na mga lider basta sa pagnanakaw. Kaya ito talaga ang ibubunga kapag patuloy tayong taong bayan na pumayag sa mga kamalian at sa pagiging busabos. Kaya riyan talaga nalubog itong bansa natin ‘yan mga hindoropot at madaldal na mga pulitikong pahamak nagagawang i-rumble ang isipan ng taong bayan lalu na dun sa mga madaling magoyo o ‘ika nga sarado ang isipan pagdating sa tunay na pagmamalasakit dito sa bayan natin. Ito na ang  panahon para tumino at magpakatino. Agaw-buhay na lipunan natin sa mga kawalanghiyaan. – Katropa Donald ng Sta. Maria, Tondo, Manila #+639196654545

Binay pa rin daw ang mahihirap?

SI BINAY po malinis na tao sinisiraan lang siya. akala cguro ng mga taong sumisira kay Binay maniniwala ang nakararami. Binay pa rin ang mga mahirap. Kaming mahirap ang iboboto namin galing din sa mahirap at ‘yan ay walang iba kundi si Binay para pangulo #+63912798 – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *