LEGAZPI CITY – Swak sa kulungan ang isang store helper makaraan gahasain ang isang 9-anyos batang lalaki sa Casiguran, Sorsogon.
Ang biktima ay mag-aaral sa Casiguran Central Elementary School sa Brgy. Cawit sa nasabing bayan.
Salaysay ng biktima, bumili siya ng coupon bond sa tindahan kung saan nagtatrabaho ang suspek na kinilalang si Eric Hamto Robredo, alyas “Kalbo.”
Ngunit imbes ibigay ang kanyang binibili, hinila ng suspek ang bata sa loob ng tindahan at puwersahang ipinasok sa banyo.
Dito ay sinasabing pilit na ipinasok ni Hamto ang kanyang ari sa puwet ng bata.
Nang matapos, agad din pinakawalan ang biktima na parang walang nangyari.
Agad nagsumbong ang biktima sa kanyang mga magulang na mabilis na nagsumbong sa Casiguran Municipal Police Station.
Nabatid sa medical examination sa bata na nagkaroon ng laceration sa kanyang anus.
Agad naaresto ng mga awtoridad ang salarin na nakatakda nang kasuhan ano mang oras.