Saturday , April 19 2025

Dumi ng tao itinapon sa highway (Pozo negro excavators tiklo kay Mayor)

“HINDI basurahan ang Malolos!” Ito ang galit na galit na sinabi ni Mayor Christian Natividad makaraan mahuli niya sa akto ang pozo negro excavators na nagtatapon ng dumi sa McArthur Highway sa Malolos City, Bulacan.

Nabatid sa ulat, maraming reklamo na ang natanggap ng opisyal hinggil sa pagtatapon ng dumi ng tao ng pozo negro excavators sa mga kanal sa lungsod partikular sa naturang highway.

Bunsod nito, mismong si Mayor Natividad ang kumilos at sa sunod-sunod na operasyon ay anim na truck ng pozo negro excavators ang kanilang nahuli habang nagtatapon ng dumi sa sinirang drainage canal.

Napag-alaman, karamihan sa itinatapong dumi ng pozo negro excavators ay galing sa Bulacan Provincial Jail.

Ang sinirang drainage canals ng mga pozo negro excavator ay matatagpuan malapit sa Northfields Subdivision sa naturang lungsod na karamihan sa mga residente ay nagrereklamo sa mga nakasusulasok na amoy ng dumi ng tao.

Ayon kay Natividad, ang anim na nahuling poso negro excavators kasama ang may-ari ay kakasuhan nila ng paglabag sa RA 9275 o ang Philippine Clean Water Act, PD 825 o Illegal Dumping Law, PD 856 o Code On Sanitation of the Philippines, at City Ordinance on Waste Management.

About Micka Bautista

Check Also

Sarah Discaya

Walang Katotohanan sa Umano’y Pang-aabuso sa PWD sa Pasig

ISANG residente ng Lungsod ng Pasig na lumahok sa pamamahagi ng bigas—kung saan na-interview ang …

Imelda Aguilar Dalia Varde Khattab

Pambato ng Las Piñas sa 2025 Binibining Pilipinas bumisita kay Mayor Aguilar

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa kanyang tanggapan ang 21-anyos Filipino-Egyptian actress …

SV Sam Verzosa Wilson Lee Flores

Sam Verzosa handang makipagharap kay Isko Moreno sa isang matalinong debate

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HANDANG-HANDA si Manila Mayoralty candidate Sam Verzosa, sakaling anyayahan siya para sa …

Ortigas Malls

Ortigas Malls engrandeng pagsalubong sa Easter Sunday magaganap

NAGLABAS ng Holy Week mall hours ang Ortigas Malls para sa mallgoers, bilang paggunita sa …

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

NAKAMIT ng FPJ Panday Bayanihan Partylist ang matatag na suporta mula sa publiko sa pamamagitan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *