Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Career ni AJ, ilulunsad sa 1 Day 1 Araw (I Saw Nakakita)

060915 aj ocampo
NGAYON ang pagkakataon ng mga aspiring child actor and actress para pumailanlang ang kanilang mga movie career. Pruweba nito ang nakatutuwa at napaka-cute na si Alonzo Muhlach, anak ng dating child wonder na si Niño Muhlach. Unang nakuha ng nakatutuwang si Alonzo ang mga puso ng mga mga tao sa nakaraang Metro Manila Film Festival n nakasama siya ni Vic ’Bossing’ Sotto sa top-grossing movie na My Little Bossing.

Isa sa mga baguhan pero napakahusay na batang artista ay ang napaka-charming at endearing na si Alaina Jezl Ocampo, AJ for short, na masasabing isang  natural talent. Sa murang edad na seven years old, napatunayan niyang karapat-dapat siyang maging bituin sa pinilakang tabing o ang matalinghagang salita sa English na silver screen.  Napakahusay niya sa acting, singing, at dancing especially sa pagba-ballet. Siya ay produkto ng Neophytes Talent Center na kumuha siya ng acting lessons at nag-attend ng mga acting workshop.

Si AJ ay kasalukuyang nasa Grade One sa Pater Noster Montessori School sa Tagaytay City. Ang kanyang proud parents ay sina Alona Barbuco at Jessie Ocampo. Nasa top ten si AJ sa kanyang klase. Si AJ ay maagang nagkahilig sa mga sports. Ipinagmamalaki siya ng kanyang mga magulang dahil siya ay mabait at magaling makisama sa mga kapwa bata. Magaling siya sa English, maging sa wikang Filipino.

Nang tanungin namin kung sino ang favorite niyang actress, mabilis na sagot ni AJ, “I like to be like Marian Rivera when I grow up because she is so beautiful and is an excellent actress.”

Kinagigiliwan si AJ ng mga nakasama sa kanyang first-ever starrer na movie na 1 Day 1 Araw (I Saw Nakakita), maging mga kapwa aktor at aktres na sina Niño Muhlach, Lara Quigaman, John Regala, at Allen Dizon, pati na mga crew specially kay Direk Dinky Doo. “Nakapabait at masunurin iyang si AJ at walang ibinigay na problema sa aming pagsu-shoot,” sabi ni Direk Dinky Doo.

“Marunong makibagay at makitungo si AJ sa mga kasama  niyang mga artista,” wika naman ni Niño.

Sabi naman ng batikang aktor na si John, “Nakatutuwa talaga ‘yang si AJ. Kasi noong una parang natatakot siya sa akin dahil sa aking karakter bilang kontrabida sa pelikula, pero nang ipaliwanag ko na umaarte lang ako at mabait ako sa tunay na buhay, naging malapit na siya sa akin.”

Lahat ay all praise kay AJ maging sina Lara at Allen.

Ang pelikulang 1 Day 1 Araw (I Saw Nakakita) ay pinagbibidahan ni AJ   at kasama niya rito ang mag-amang Alvaro at Niño, Lara, John, Allen, Ritz Azul, Jake Fernando, at Nikka Sarki, at idinirehe ni Dinky. Malapit na itong ipalabas ngayong September.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …