Tambak na ang opisyal sa MPD
Joey Venancio
August 9, 2015
Opinion
TAMBAK na ngayon ang mga opisyal (Kernel) sa Manila Police District (MPD).
Lalo na’t ibinalik ang dating limang opisyal na inalis noon dahil raw sa mahinang proformance sa pagsugpo sa iligal na droga partikular shabu.
Ito’y sina SUPT. FERNANDO OPELANIO, SUPT. ERWIN MARGAREJO, SUPT. JULIUS ANOUEVO, SUPT. FROILAND UY at SUPT. ROMEO ODRADA.
Saan sila ngayon ipupuwesto? Sa gate ng MPD?
Ayon sa ating tiktik sa MPD, sa Agosto 15 ay magkakaroon ng major revamp sa 11 police stations upang mabigyan-daan o makapuwesto ang mga naturang opisyal na ibinalik ng PNP Headquarters.
Kaya kabado ngayon sina Supt. Claire Cudal, hepe ng Pandacan Police Station 8; Supt. Nicolas Pinon, hepe ng Sta Mesa Police Station 8; Supt. Albert Barot, hepe ng Ermita Police Station # 5; Supt. Redentor Ulsano, hepe ng Raxabago Police Station 1; at Supt. Naman Muadrip, hepe ng Sampaloc Police Station 4. Sila raw ang posibleng tamaan ng balasahan.
Sa Lunes naman, bukas, ay magpapakitan ng puwesto sina Supt. Jackson Tuliao, hepe ng Moriones Police Station 2; at Supt. Aldrin Gran, hepe ng Central Market Sta Cruz Police Station 3.
May posibilidad din na si MPD Director Rolando Nana ay palitan na ni Senior Supt Maligalig sa napipintong natiowide revamp ng PNP. Overstaying narin kasi siya sa puwesto.
Anyway, natural nalang sa mga opisyal ng PNP ang balasahan laluna pag bago ang liderato. Kanya-kanya kasing puwestuhan ng mga bata yan para sa mas epektibong kolektong este serbisyo raw pala sa mamamayan.
Ang mga opisyal kasi ay may tinatawag na “tour of duty” para sa kanilang promotion, pamilyaridad sa mga distrito, lungsod, lalawigan at rehiyon para kapag nasa PNP leaderships sila ay hindi na sila mabubulag ng kanilang mga opisyal sa labas.
Parang pari lang din, kada limang taon ay inililipat sila ng parokya o simbahan.
***
Kamakailan, nang mag-renew ako ng lisensya ng aking mga baril sa Kamp Krame, napapansin kong napakaraming opisyal na pakalat-kalat lang. Karamihan sa kanila at Inspector at Sr. Inspector. Bakit hindi sila i-assign sa mga probinsiya? Kahit sa Municipal Police Station?
Sa amin sa Tablas, Romblon, parang mga SPO4 at SPO3 lang ang mga hepe sa police station eh. Dapat Tinyente o Kapitan na ang ipuwesto sa mga municipal police stations…
Oo, kailangan nang e-level up ang mga munipal police stations…. Lagyan na ito ng mga opisyal mula sa PNPA.
What do you think, Chief PNP, Ricardo Marquez, Sir?
Patayan ang haba ng oras ng duty ng sekyu sa Cebuana
– Sir Joey, hingi lang kami ng tulong. Kasi po napakahaba ng oras ng duty namin dito sa Cebuana Rein Branch, Pasay City. Ang pasok naman 6:00am hanggang 11:30pm.. Security guard po kami dito. Hindi na kaya ng katawan namin, kulang kami sa tulog. Ang name po ng manager namin sa Cebuana ay Rogal Catampongan. Salamat. – Guard
Maling mali ito. Una, labag ito sa Labor Law. Dapat ay walong oras lang ang duty sa trabaho. Pag higit 8 oras, overtime pay na iyon. Pangalawa, ang taong puyat ay hindi makapagtrabaho o makapag-duty ng maayos. Marami itong mali na magagawa dahil pagod ang utak at katawan. Sana maisip ito ng may-ari ng esablishment at gawing tatlong shifts ang kanyang mga sekyu.
REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015